Mansion ni James Reid sa Quezon City, walang pa ring gustong bumili hanggang ngayon

Leo Bukas

HINDI PA rin pala nabibili hanggang ngayon ang tinitirhang mansion na matagal na ring ibinibenta ni James Reid na matatagpuan sa Loyola Grand Villas in Quezon City.

Nag-post ang singer-actor at record producer ng mga larawan ng kanyang bahay sa Instagram account para mas magkaroon ng idea ang sinumang buyer kung gaano kaganda ang kanyang property.

Nadine Lustre and James Reid | James Reid’s QC Mansion

“My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics. Contact my assistant Penelope for more details on +63 927 836 9466,” post niya sa IG kasama ng photos na kuha sa loob at labas ng kanyang bahay.

In fairness ang ganda ng loob at labas ng bahay. Ang ganda rin ng swimming pool. Mamahalin talaga ang pagkaka-design, huh!

Sa pagkakaalam namin, last year pa (2020)  bago magpandemic ay ibinebenta na ni James ang kanyang bahay. In fact, na-feature pa nga ito sa lifestyle section ng isang magazine, pero yon nga, until now, wala pang buyer.

Kunsabagay, ngayong  panahon ng pandemic  ay sino ba naman ang magpapakawala ng malaking halaga para lang bumili ng bahay, di ba? Ang presyo kasi ng mansion ni James ay tumataginting daw na P100 million, huh! Pero ngayon ata, dahil nga matumal ang nagkakainteres na bumili kaya ibinaba na ito sa P82 million.

Maraming magagandang memories kay James ang kanyang Loyola Grand Villas mansion dahil naging love nest pa nila ito ng dating girlfriend na si Nadine Lustre. Ilang buwan o taon nga ba silang tumira sa naturang mansion?

Anyway, hindi visible ngayon sa TV or movie si James. Wala kaming nababalitaang may teleserye siyang gagawin sa ABS-CBN o pelikula kaya sa Viva Films. Mas nagko-concentrate ngayon ang binata sa kanyang music.

Previous articleMarco Gumabao hiningi ang blessing ni Jake Cuenca bago makipag-love scene kay Kylie Verzosa
Next articleVLOG WATCH: BISAYA 101 Challenge nina Kim Chiu at Melai Cantiveros!