Maja Salvador engaged na kay Rambo Nuñez

ENGAGED NA si Maja Salvador sa kanyang partner in life, business and love na si Rambo Nuñez.

Ito ang masayang balitang bumungad sa aming social media feed noong Easter Sunday kung saan ipinakita ni Maja ang engagement ring na ibinigay ng kanyang fiance sa kanya.

Rambo Nunez and Maja Salvador are engaged!

“My new beginning @rambonunez,” simpleng caption ni Maja sa kanyang larawan na may mga kalakip na heart and ring emojis.

Sa parte naman ni Rambo ay nagpost din ito ng mga larawan na kuha mismo sa araw na siya ay nagpropose.

“The best part is yet to come my love @maja,” post ni Rambo sa kanyang Instagram account.

Hindi klaro kung kailan mismo naganap ang engagement ng dalawa, pero sa El Nido, Palawan sila nanatili ng mahigit isang linggo.

As expected, marami sa showbiz friend ng couple ay bumati sa dalawa.

Noong 2020 ay nabanggit ni Maja Salvador sa isang panayam na naramdaman niya na she is ‘home’ nang magbalikan sila ni Rambo, na naging nobyo niya noong siya ay 21 years old. Nagkabalikan sila noong 2019.

Love is lovelier the second time around, right? Maliban sa pagiging romantic partners ay naging katuwang na rin nila ang isa’t isa sa pagpapalakad ng mga negosyo. Specifically ay ang Crown Artists Management na ngayo’y naghahandle na sa mga showbiz careers nina John Lloyd Cruz, Jasmine Curtis-Smith, DJ Loonyo, Miles Ocampo at marami pang iba.

Congratulations, Rambo and Maja!

Previous articleSandara Park at 2NE1 may surprise reunion sa Coachella 2022
Next articleVLOG WATCH: Jennylyn Mercado’s Maternity Shoot with hubby Dennis Trillo!