Lotlot De Leon gaganap na ‘SuperMOM’ ni Kim De Leon sa Regal Studio Presents

MAY heartwarming Pre-Mother’s Day episode na handog ang feel-good Sunday show na ‘Regal Studio Presents‘ na pinamagatang ‘SuperMOM‘.

Lotlot and Kim De Leon in ‘SuperMOM’

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama ang veteran actress na si Lotlot De Leon at ang Starstruck 7 Ultimate Male Survivor and ‘Alamat ng Agila 2’ star na si Kim De Leon. Hindi man sila related (they have the same surname), hindi naman maipagkakaila na may chemistry sila bilang Mother-Son tandem.

Gagampanan ni Lotlot ang papel na Nadia, isang hardworking single mom na gustong makabonding ang anak na si Inigo (Kim De Leon). Mas lumaki na sa yaya ang kanyang anak kaya hindi na siya updated sa mga trip nito.

Siguradong marami ang makakarelate sa heartwarming episode na ito. Whether you’re a mother or a son, siguradong maantig tayo sa buena mano ng Regal Studio Presents ngayong buwan ng Mayo.

Ito ang kauna-unahang Regal Studio Presents ni Lotlot De Leon. Huling napanood ang aktres sa ‘Marry Me, Marry You’ sa ABS-CBN kasama ang anak na si Janine Gutierrez.

On the other hand, ikalawang sabak na ni Kim De Leon sa nasabing Sunday show. Una itong itinambal kay Lexi Gonzales sa ‘Magkaibigan, Nagkaibigan’ noong nakaraang taon. Nakatakda rin mapanood ang binata sa upcoming primetime series ng Kapuso Network na ‘Love You Stranger’.

Mapapanood na ang ‘SuperMOM’ sa Regal Studio Presents ngayong Sunday at 4:35pm sa GMA pagkatapos ng The Best Ka!

 

Previous articleAngeline Quinto nanganak na!
Next articleVLOG WATCH: Toni Gonzaga’s Shoe Closet Tour by Alex