Angeline Quinto nanganak na!

NANGANAK NA ang actress/singer/vlogger na si Angeline Quinto.

Ito ang masayang ibinalita niya sa pamamagitan ng kanyang social media accounts noong Huwebes ng hapon.

Angeline Quinto with son Sylvio

Ipinakilala niya sa madlang pipol ang kanyang unico hijo na pinangalanang Aziel Sylvio Quinto-Daquina. Ito ay may timbang na  6 lbs. at 9 inches long upon birth. Ipinanganak siya noong April 27, 2022.

Ipinangalan si Baby Sylvio sa nanay ni Angeline na si Sylvia o Mama Bob, na sumakabilang-buhay noong 2020.

“Motherhood: Unlocked!” simpleng caption ni Angeline sa kanyang social media post kung saan karga niya ang bagong anghel ng kanyang buhay.

Hindi masyado nagpapakita sa publiko ang partner ni Angeline dahil pribadong tao ito at mas gusto nila na maging maayos ang kanilang relasyon. Uunahin muna nila ang kanilang Baby Sylvio bago pa isipin ang pagpapakasal.

“Kapag kasal, ibang usapan na ‘yun. Gusto ko ‘yung tamang proseso at paghahanda para sa kasal. Sana iyon na muna. Ngayon, ang pinaka-priority ang bata. Sa future, kung ikakasal kami, siyempre magpapasalamat ako,” sambit ni Angeline.

Congratulations, Angeline! Sure kami na you will be a good mother!

Previous articleJolina Magdangal suportado ang masipag na lider na si Leni Robredo
Next articleLotlot De Leon gaganap na ‘SuperMOM’ ni Kim De Leon sa Regal Studio Presents