Julia Barretto game na game na sa daring roles: ‘Tumatanda na rin ako so wala na akong excuse na umayaw’

Leo Bukas

NAGSIMULA nang maging daring sa pagtanggap ng role sa pelikula si Julia Barretto. Bagama’t hindi naman talaga siya nagpakita ng flesh sa Bahay Na Pula ni Direk Brillante pero yung konsepto ng kanyang role sa pelikula ay masasabing daring na.

May mga eksena si Julia na naka-underwear lang sa movie. Meron din siyang rape scene sa pelikula kung saan isang demonyo ang gumagahasa sa kanya.

Julia Barretto

Ani Julia, “Ibang-iba talaga ito sa mga nagawa kong pelikula. It’s a leap of faith I have to take. After all, it’s part of growing up nand growing old if I really want to be committed to and passionate with my craft.”

Sa isa pang bagong pelikula ng aktres na may titulong Expensive Candy ay muling makikita kung gaano na siya ka-matured bilang aktres.

“I recently shot another film, Expensive Candy, which also required a lot of courage on my part. So, little by little, nakakagawa ako ng kind of daring sexy films,” lahad pa ng dating Star Magic artist.

Muli niyang sabi, “It’s not just about doing love scenes or doing daring things for the first time. It’s part of your willingness to show how committed you are in your profession as an actress.

“Ayoko rin namang masyadong magkaroon ng limitations, kasi siyempre, parang binibigyan ko rin ng limitations yung mga taong nasa likod ng creative process ng pelikula.

“So, you have to give them that trust because they’re giving me their trust and malaking bagay kasi sa akin ang pinagkakatiwalaan ako. So, as much as possible, pinahahalagahan ko yon, iniingatan ko yun. And I’m 24, tumatanda na rin ako, so wala na akong excuse na umayaw,” katwiran pa ni Julia.

Samantala, for now ay mapapanood muna si Julia sa Vivamax youth-oriented series na The Seniors.

Previous articleAna Jalandoni tuloy ang kasong RA 9262 laban kay Kit Thompson
Next articleAga Muhlach may reaksyon sa pagbibida ni Arjo Atayde sa remake ng isa niyang pelikula