Ivana Alawi nilinaw na walang malisya ang paghawak ni Marco Gumabao sa kanyang hita

Leo Bukas

IGINIIT ng sexy star at vlogger na si Ivana Alawi na hindi sila nagkaroon ng relasyon ng hunk actor na si Marco Gumabao. Single pa rin daw siya hanggang ngayon.

“Wala, huy! Totoo talaga na kapag may dyowa ako, sasabihan ko kayo,” paglilinaw ng dalaga sa tanong sa kanya sa Kumu kung totoong may relasyon sila ni Marco.

Marco Gumabao and Ivana Alawi

Ayon pa kay Ivana, walang kahulugan ang mga pictures na kumalat sa social media kung saan sweet sila ng hunk actor. Malapit din daw silang magkaibigan kaya na posibleng nabibigyan ng malisya.

“No, no, and no. Never kaming nagkaroon ng kahit anong relasyon, romantic, wala,” diin niya.

“Hindi lang naman date yon na kaming dalawa. We’re friends, I was also with other friends, and nasa bahay kami ng friend ko,” pagtukoy niya sa viral photos na naglabasan.

“Wala, as in friends lang talaga. There’s nothing. Hindi kami. Wala. Para lang klaro sa lahat, wala,” paglilinaw pa ni Ivana.

Nagpaliwanag din si Ivana na walang malisya kung humawak man si Marco sa kanyang hita.

“Alam n’yo guys, wala akong malisya. Kasi kahit sa mga friend ko, lahat sila yumayakap sa akin. Walang hipo-hipo. Wala yon sa akin.

“Basta hindi niya mahawakan ‘yung those parts, that’s a no. Baka masampal ko siya on the spot,” paliwanag ng vlogger.

Samantala, bago pa man nagsalita ang dalaga ay nilinaw na rin ni Marco na friends lang din talaga sila ni Ivana.

Previous articleJomari Yllana hindi nangangarap ng mataas na posisyon sa gobyerno
Next articleVLOG WATCH: Julia Barretto as Catwoman for Halloween (MEOW!)