EFFORTLESS ang pag-portray ni Elijah Canlas ng karakter niya as Cario na isang baklita sa hit BL series na Gameboys ng The IdeaFirst Company. Aakalain mo talaga na bading siya in real life kung paano siya umarte.
Sa Facebook Live ng kaibigang Ogie Diaz ay tinanong niya si Elijah kung straight ba ito na game namang sinagot ng aktor.
“Well, straight po ako! Pero I mean… as a person sobrang open lang po talaga ako, especially as an artist na you know that there’s no one way to love.
“And I don’t know what will happen in the future kasi I’m living in ‘the now’, in the present. So I’m just a very open person and I’m open to loving whoever, whatever, pero straight po ako,” tugon ng 17th Asian Film Festival best actor para sa pelikulang Kalel, 15.
Hindi pa rin daw dumating sa punto na nagka-crush siya sa kapwa lalaki.
“Well, hindi pa po… hindi pa po,” pahayag niya. “Pero, like kunyari, meron po kasing mga lalaki na talented, ang talino, guwaping talaga, like sa State po — si Timothee Chalamet.
“Alam n’yo po yung mukhang yon? Sana ganun ako, ganun ako kagaling umarte tapos ang talas pa ng jawline. Pero wala pa naman pong crush na yung crush-crush talaga,” paliwanag ng binata who will be turning 20 years old on August 16.
Inamin din ni Elijah na dahil sa role niya sa pumatok na BL series ng The Idea First Company ay hindi maiwasang pagdudahan ng iba ang kanyang pagkalalaki.
“Opo. I mean, ako po, hindi ko naman po… hindi po ako masyadong mahilig magbasa ng comments kasi personally, ako po medyo may pagka-sensitive po ako.
“Hindi nga po ako sanay sa… Mahiyain nga po akong tao and medyo private. Pero natuto na rin po akong magbasa sa criticism po ng ibang tao at marami po akong nakikitang pinagdududahan nga yung pagkalalaki ko which is for me is like the best compliment ever. Kasi ibig sabihin na-justify ko yung role, kaya wala din po akong masyadong problema do’n,” katwiran ng aktor.
Muling tanong kay Elijah ni Ogie, may posibilidad ba na magkaroon din siya ng feelings sa kapwa lalaki?
“Hindi po ako nagsasara ng ano… Feeling ko po trabaho ko rin as an artist, as an actor, I need to be open minded all the time. I need to be ready for anything which I don’t know what will happen in the next year, the next couple of years in my life, pero I need to be ready for anything that happens.
“And I need to be accepting and open to it as long as hindi po siya mali. Ang tao naman po may likas na sense kung ano yung tama, mali at mararamdaman ko naman po yon. Nandito rin po yung magulang ko, pamilya ko, mga kaibigan para i-guide din po ako sa tama. Pero open lang po talaga ako parati. Hindi po ako natatakot sa kung anumang puwedeng mangyari,” diretsahang paliwanag ng award-winning actor.