DJ Jhai Ho, Athena Madrid at Blue Cailles magpapatalbugan sa ‘The Applicants’ ng Regal Studio Presents

ISANG relatable episode para sa mga job hunters ang episode ng Regal Studio Presents ngayong Sunday na may titulong ‘The Applicants‘. Ano ang mga kaya mong gawin para makuha ang dream job mo?

Ito ang struggle na kailangang harapin at lampasan ng tatlong aplikante na gagampanan nina DJ Jhai Ho, Athena Madrid at Blue Cailles.

Athena Madrid, DJ Jhai Ho and Blue Cailles in Regal Studio Presents: The Applicants

Gagampanan ni DJ Jhai Ho ang papel na JuJu, isang proud LGBTQ applicant na may pagka-bossy and domineering. Ang Starstruck 7 avenger and To Have and To Hold star naman na si Athena Madrid ang gaganap na Amor, isang maarte pero lovable na aplikante habang ang newbie hot model turned actor na si Blue Cailles naman ang gaganap na happy-go-lucky applicant na si RafRaf.

Tatlong qualified applicants, pero isa lang sa kanila ang makukuha. Sino kaya ang magwawagi sa huli? Sino ang pipiliin ng kanilang boss na gagampanan ni Mel Kimura?

Malalaman natin ang kasagutan ngayong March 6, Sunday ng 4:35pm sa GMA.

Ito na ba ang hudyat ng paglipat ni DJ Jhai Ho, na mas kilala bilang competent showbiz interviewer ng Kapamilya Network? In fairness, mukhang may chemistry sina Athena Madrid at Blue Cailles, huh? Sa mga curious kay Blue, mapapanood ito sa upcoming Mano Po Legacy: HEr Big Boss na mag-uumpisa ngayong March sa GMA.

Previous articleVLOG WATCH: A Day in the Life of Bianca Umali
Next articleRelasyong Elisse Joson at McCoy de Leon, may pinagdadaanan?