Derrick Monasterio at Elle Villanueva, new hot afternoon couple sa ‘Return to Paradise’

NAGBABALIK sa afternoon slot ng GMA ang hunk actor na si Derrick Monasterio. This time, bibida ito sa isang sexy drama series at isang bagong leading lady ang kanyang katambal. Ito ay walang iba kundi ang newbie actress na si Elle Villanueva.

Sina Derrick at Elle ang bida sa ‘Return to Paradise‘, na mag-uumpisa na ang pagpapainit sa mga manonood simula bukas, August 1.

Derrick Monasterio and Elle Villanueva

Sa mga promotional photos at teasers pa lang ay kaabang-abang na ang mga steamy scenes ng dalawa. In fairness, mukhang at ease na sila sa isa’t isa.

Nang malaman ni Derrick na sila ni Elle ang bibida sa bagong afternoon drama ng GMA, “I was quite surprised pero sobrang saya ko and I immediately prayed at nagpasalamat ako kay Lord for this big opportunity. Of course, I also want to thank GMA management for this great project.”

“And masaya ako working with Ellr kasi sa workshops pa lang, nag-click agad kami. Magaan siyang kasama at naging magkatropa kami agad sa lock in location shoot namin sa island.”

“Yes, medyo sexy ang series namin and I hope the viewers will enjoy the scenes where we show some skin. But more than that the sexy scenes, we are optimistic that viewers will appreciate the beautiful story involving us as star-crossed lovers whose relationship will be tested by many obstacles thrown our way,” dagdag ng binata.

Para naman sa bagong sexy actress ng Kapuso Network, “Grateful po ako na si Derrick yung leading man ko sa unang teleserye ko. Dahil sa kanya, napadali rin yung trabaho. Pagdating sa eksena, akala ko mahihirapan ako, pero dahil sa kanya, napadali,” saad ng dalaga.

Kasali rin sa ‘Return to Paradise’ sina Allen Dizon, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis at ang nagbabalik-Kapuso na si Eula Valdez.

Mapapanood na ang ‘Return to Paradise’ simula ngayong Lunes, August 1 pagkatapos ng Eat Bulaga. Ito ang papalit sa toprating series nina Ai-Ai Delas Alas at Shayne Sava na ‘Raising Mamay’. Hot nina Derrick at Elle, ‘diba?!

Previous articleVLOG WATCH: CAReoke with Yassi Pressman and Alex Gonzaga
Next articleAngeli Khang, titigil lang sa pagpapaseksi kapag nanalo na ng acting award

No posts to display