Cherie Gil pumanaw dahil sa kanser sa edad na 59

Leo Bukas

PUMANAW NA sa edad na 59 ang magaling at veteran actress na si Cherie Gil. Binawian siya ng buhay nitong August 5 sa New York City, USA habang nakikipaglaban sa sakit na kanser.

Matatandaan na noong February 2022 ay umalis ng Pilipinas si Cherie para magpunta ng Amerika at makasama ang kanyang pamilya.

Cherie Gil

“I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life. I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts,” sabi pa niya noon.

Nagpakalbo rin si Cherie noon bago siya lumipad papuntang Amerika na ginawa niya bilang “rebirth.”

“What’s hair, di ba? It grows back. It’s symbolic to my personal growth. When a woman is in distress, she cuts her hair.

“May mga nagsasabi kasi marami akong pera but in fact, they don’t know anything. I’m just a human being. We go through the same ropes of the downs, the highs and the lows. I am not going to be surprised if I die a pauper, but I have lived a life,” sabi pa niya.

Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula na ginawa ni Cherie ay ang Oro, Plata, Mata, Bituing Walang Ningning, Sana’y Wala Nang Wakas at ang launching movie niyang Problem Child.

Previous articleAngeli Khang, titigil lang sa pagpapaseksi kapag nanalo na ng acting award
Next articleSharon Cuneta sa pagpanaw ni Cherie Gil: ‘Thank you for everything’

No posts to display