Bea Alonzo, isinusulong ang optimum digestive health kasama ang Beautéderm

Leo Bukas

IPINADIRIWANG ng Beautéderm Corporation ang huling bahagi ng unang quarter ng 2022 dahil sa isang malaking milestone sa pagsalubong nito kay Bea Alonzo bilang opisyal na brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.

Bea Alonzo

Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements. Ang REIKO Slimaxine ay isang Diet Enhancer habang ang REIKO Fitox naman ay isang Digestion Enhancer – na parehong masusing nilkha upang makapag-bigay ng daily optimum digestive wellness na tumutulong palakasin ang overall wellbeing ng bawat indibidwal lalo na ngayon na mahirap ang buhay at ang magandang pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng holistically sound physical, emotional, at mental conditions.

Mahalaga ang digestion sapagkat kailangan ng katawan ng nutrients upang gumana ito ng maayos at manatiling malusog. Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ay parehong meticulously developed and formulated upang matulungan ang katawan para magkaroon ng optimum digestive health. Ang kumbinasyon ng dalawang supplements na ito ay nakakatulong upang ma-regulate ang pagpasok ng unhealthy food sa katawan at tinutulungan din nito ang sikmura sa absorption ng nutrients na distributed evenly sa katawan while allowing the consumption at digestion ng pagkain ng walang discomfort. Ang malusog na sikmura ay mayroong good bacteria at immune cells na nakakatulong sa pagiwas sa mga infectious agents gaya ng viruses at fungi.

Bilang isa sa pinaka-accomplished at respetadong aktres ng industriya ngayon, nag-bida si Bea sa consistent string ng mga blockbuster films at top-rating primetime TV series. Isa siya sa pinaka-abalang artista sa showbiz. Sa kanyang illustrious career na dalawang dekada na ang itinatakbo, nakuha ni Bea ang respeto at kredebilidad na siyang dahilan kung bakit siya ay isang top celebrity endorser.

Binabalanse ni Bea ang kanyang personal na buhay at trabaho at isa siyang self-confessed foodie. Ginagantimpalaan niya ang kanyang sarili ng masasarap na pagkain habang minementain niya ang isang active lifestyle upang mapangalagaan niya ang kanyang katawan at isip.

“Perfect na digestive supplements para sa akin ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm because aside from being all-natural they help me in eating right at the right time while aiding my stomach to break down the food while strengthening my gut,” ayon kay Bea. “Para sa isang very health conscious na katulad ko, perfect combination ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox sa pag- maintain ng isang healthy lifestyle. Kailangan kong maging malusog dahil para sa akin true beauté is really loving and taking care of myself first, and then I could extend that love and care to others.”

Rhea Tan and Bea Alonzo

Ang President at CEO naman ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan ay naniniwala na si Bea ang best ambassador na kakatawan sa REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm. “Inspirasyon si Bea dahil she always see to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya,” pahayag ni Rhea. “Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga priodidad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health. I proudly welcome her as the official brand ambassador ng REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm.”

Totoo nga talaga na ang tunay na kagandahan ay ang pagmamahal sa sarili at ang malusog na pangangatawan ang susi sa isang mahaba at maligayang buhay. Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ang best partners sa pagtamasa ng mga benepisyo ng isang malusog na sikmura.

Previous articleVLOG WATCH: X-Deal 2 Movie Shoot Behind The Scenes with Rob Guinto
Next articleCarmina Villaroel binalikan kung paano nagsimula ang friendship nila ni Gelli de Belen