Andrea Brillantes kinilig sa proposal ni Ricci Rivero: ‘Grabe naman yon Lord!’

Leo Bukas

SINAGOT NA ng “yes” ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang basketbolistang manliligaw na si Ricci Rivero. Si Ricci who also ventured into acting is a member of University of the Philippines Fighting Maroons team na nakikipagbakbakan ngayon sa UAAP.

“First time kong manood ng UAAP hindi ko inaasahang magkaka-boyfriend pa ako, grabe naman yun Lord!” caption ni Andrea sa photos na kanyang ipinost niya sa Facebook.

Andrea Brillantes and Ricci Rivero

Sa naturang photo ay may hawak na bouquet of flowers at nakasuot din ng black t-shirt na may nakalagay na “YES.”

May post din ang dalaga ng “04.09.22” na petsa kung kailan niya singot ng yes ang basketball heartthrob.

Matagal na ring nali-link si Andrea kay Ricci na nitong mga nagdaang araw ay madalas na ring nakikitang magkasama sa public places.

Bandang hapon nitong Sabado (April 9) pagkatapos ng laro ng UP Fighting Maroons laban sa FEU Tamaraws para sa UAAP Season 84 Men’s Basketball Tournament na ginanap sa SM of Asia Arena nang mag-viral ang “proposal video” ni Ricci at Andrea.

Kitang-kita sa video nang tanungin ng basketbolista ang aktres na nasa audience kasama ng ilang mga kaibigan para manood ng game kung payag ba itong maging girlfriend niya.

“Can I ask Blythe to be my girlfriend?” tanong niya sa dalaga gamit ang microphone na sinundan naman ng malakas na tilian at hiyawan sa loob ng MOA Arena.

Kaagad na nilapitan si Andrea ng dalawang taong may hawak ng black shirt na mayna “YES” at “NO.” Pinili ng aktres yung taong may nakalagay na “yes” kaya lalong naghiyawan ang mga tao.

Pagkatapos ng nakakakilig na eksena ay nag-thank you naman agad si Ricci kay Andrea sabay sabay flying kiss bago tumatakbong bumalik sa dressing room.

Wow, nakakakilig naman. Ang sarap talagang ma-inlove at mapapa-sana-all ka na lang.

Previous articleAndrea Brillantes inamin na naging sila ni Seth Fedelin
Next articleSeth Fedelin, suportado ang relasyon nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero