Andrea Brillantes ibinahagi ang halaga ng paggamit ng Beautederm health boosters na Reiko at Kenzen

Leo Bukas

TAKE CHARGE of your health ang sigaw ng Beautéderm Corporation habang sinisumlan nito ang huling quarter ng 2021 sa pamamagitan ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters – na isang essential line ng mga health supplements na ineendorso ng pinaka-bagong ambassador nito na si Andrea Brillantes.

Andrea Brillantes

Ang Reiko at Kenzen health boosters ay FDA approved at all-natural health supplements. Ito ay masusing pinormula upang makapagbigay ng pang-araw araw na optimum wellness na tumutulong palakasin ang overall wellbeing ng bawat tao lalo na ngayon kung saan ang maayos na pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng isang holistically sound physical, emotional, at mental conditions.

Isa si Andrea Brillantes sa pinaka-accomplished na homegrown young actresses ng ABS-CBN at impressive ang kanyang body of work na kinabibilangan ng mga top-rating teleseryes gaya ng Annaliza, Pangako Sa ‘Yo, Kadenang Ginto, at ang katatapos lamang na inspirational, primetime drama na Huwag Kang Mangamba at kasama na di a ng mga notable appearances sa mga pelikula gaya ng Crazy Beautiful You, Everyday I Love You, Banal, The Ghosting, The Mall, The Merrier, at ang nalalapit na action thriller na On The Job: The Missing 8.

“Tagahangga po ako ng Beautéderm na isang kumpanya n madaming natutulungan na tao,” sabi ni Andrea.

“Karamihan po sa mga kaibigan ay brand ambassadors ng Beautéderm and it is such a dream come true for me now that I am officially part of the family. A well-balanced and healthy lifestyle are very important to maintain nowadays at honored ako na napili ako ni Ms. Rei para i-represent ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters.

“With REIKO and KENZEN  Beautéderm Health Boosters, I am able to take charge of my health confidently as these essential supplements are providing me with the energy and extra protection every day. Excited po ako i-share ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters sa lahat.”

Karapat-dapat ding banggitin na ang launch ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay bahagi ng on-going 12th anniversary celebration ng Beautéderm na nagsimula nuong Augosto 2021 at kasabay din nito ang pagdiriwang ng kaarawan ng President and CEO ng kumpanya na si Rhea Anicoche-Tan ngayong Nobyembre.

“My team and I have been working on REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters for over a year now at ang aking plano ay mai-launch ito in time for the 12th anniversary of the company at ng birthday ko na rin,” sabi ni Rhea.

Rhea Tan and Andrea Brillantes

“Madaming naituro ang pandemic sa atin – that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, na mahalaga ang pamilya, at dapat nating alagaan ang ating kalusugan. We need to boost our immune system and take care of not just of our bodies but also our minds as well.

“Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ang aking maliit na contribution para siguraduhin ko na nasa tamang kalusugan ang lahat. I welcome Andrea to the family as she is an amazing addition to the gang. Sang-ayon ako sa kanya na kailangan nating i-maintain ang isang balanced at healthy na lifestyle.

“Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ay para sa lahat at sa wakas, matapos ang aming hard work, nandito na ito!” ani Rhea.

Previous articleSexy star Marinella Moran and foreigner husband nagkakalabuan?
Next articleVLOG WATCH: The Most Painful and Difficult Moment in Yeng Constantino’s Life