Ana Jalandoni nag-ipon nang todo para mai-produce ang ‘Manipula’

Leo Bukas

FILM PRODUCER na ang ka-batch ni AJ Raval sa Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar na si Ana Jalandoni. Bukod sa pagiging producer ay si Ana rin ang bida sa pelikulang Manipula na idinirek ni Neal ‘Buboy’ Tan.

Mala-Tagos ng Dugo ni Vilma Santos ang tema ng Manipula kung saan gaganap si Ana ng iba’t ibang karakter. Leading man naman niya sa erotic thriller si Aljur Abrenica.

Ana Jalandoni

Galing sa ipon ang ipinang-produce ni Ana sa Manipula. Nagba-buy and sell siya at real estate broker kaya nakapag-ipon siya.

“Itong savings ko, gusto kong may marating. Kaya pinasok ko ang pagiging producer. Gusto ko, lumaki ‘to. Gusto ko, marami akong matulungan. Gusto ko, makatulong sa industriya,” katwiran niya.

Ayon sa dalaga, siya mismo ang pumili kay Aljur para maging leading man sa Manipula. At hindi raw ito naging isyu dahil wala naman silang rivalry ni AJ na nililigawan naman ngayon ng aktor.

Aniya, “Diyos ko po, wala naman po siguro! Wala po!”

Natawa naman siya sa reaksyon ng press na naunahan pa niya si AJ kay Aljur.

“Ay, hindi naman po! Hindi po ganun! Ha-ha-ha!  Hindi po! Kung ano po yung kanya, kanya,” giit niya.

Inamin din niya na magkaibigan sila ni AJ kaya wala itong dapat ipag-alala.

“Opo, magkaibigan po kami. And nirerespeto ko po siya as a woman. Baka gumawa pa ako ng movie for us,” sabi ni Ana.

Aljur Abrenica and Ana Jalandoni

Ayon pa sa sexy star, hindi rin daw siya dapat pagselosan ni AJ.

Rason niya, “Hindi naman po. Bale alam ko naman po yung boundary ko po. Hindi naman po siguro mangyayari na pagselosan ako.

Samantala, kasama rin sa Manipula sina Rosanna Roces, Alan Paule, Christian Vazquez, Marco Alcaraz, Kiko Matos, at Mark Manicad.

Previous articleRia Atayde returns to primetime on ‘Viral Scandal’
Next articleBeauty Queens Maxine Medina at Casie Banks may bonggang showdown sa ‘Regal Studio Presents: Karinderya Queens’