Alwyn Uytingco at Jennica Garcia nag-museum date para i-celebrate ang kanilang ‘miracle’ 12th anniversary

SA DAMI ng pinagdaanan nilang pagsubok sa kanilang relasyon, ngayon ay going strong at patuloy pa rin ngpagsasama nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.

Para i-celebrate ang kanilang 12th anniversary ay nagplano ng isang museum date si Alwyn, na itinuturing na isang ‘miracle’ na hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila ng kanyang asawa.

Alwyn Uytingco and Jennica Garcia

Post ni Alwyn sa kanyang lengthy Facebook post: “Alam naman natin lahat, isang MILAGRO ang ma-celebrate namin ang 12th anniversary namin. Muntik na nga magtapos sa 11th year. (Opo, dahil po sa ‘kin. Ako po ang may sala. Sorry na po.). Kaya napakahalaga sa akin / sa amin na maipagdiwang ang anniv namin. Kasi isa siyang malaking blessing talaga.”

Ayon sa kanya, gusto niyang pahalagaan ang milestone na ito sa kanilang buhay kaya dinala niya ang misis sa Pinto Art Museum.

“Sinurprise ko siya nang dalhin ko siya sa Pinto Art Museum at wala siyang kaalam-alam. Sabi ko lang, papasyal kami. Ganern. Matagal na niyang gusto makapunta sa museum na ‘yon, lalo pa ng malaman niya na nakapag-shoot ako doon,” kuwento ni Alwyn.

Nilubos ng mag-asawa ang kanilang pagbisita sa museo, kung saan sila kumuha ng maraming larawan at in-appreciate ang mga artworks na nakadisplay doon.

Pinasalamatan din ni Alwyn si Jennica sa muling pagtanggap sa kanya kahit na aminado ito na siya ang may pagkukulang sa kanilang naging hidwaan early last year.

“Nanay, salamat. At kahit ganito ako, maraming kakulangan sa ’yo, maraming pagkakamali at napaka-imperfect na tao, nakikita mo pa rin ako. Salamat sa 12 years natin pagsasama. Salamat sa pagmamahal,”

Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong 2014. May dalawa silang anak. Napabalita na naghiwalay diumano ang dalawa bandang Marso ng 2021. Noong Oktubre ay naispatang magkasama muli ang dalawa at nagpasalamat ang aktor na hindi siya sinukuan ng asawa.

Previous articleVLOG WATCH: A Valentine Prom Date with Allen Ansay and Sofia Pablo
Next articleJasmine Curtis-Smith may touching message para sa birthday ng kanyang Ate Anne