Aiko Melendez, biktima ng carnap!

TINUTUGIS NGAYON NG Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit ang responsable sa pag-carnap sa sasakyan ng aktres at vice-mayoralty candidate na si Councilor Aiko Melendez kamakalawa ng tanghali.

Ayon sa isang kasambahay ng aktres, bandang alas-10:00 ng umaga nang mawala ang puting Toyota Fortuner ng konsehala.

Nakaparada ang sasakyang Toyota Fortuner (LEV 498) sa tapat ng bahay ng aktres ngunit nang lumabas ang kanyang driver ay wala na ang sasakyan. Nakarehistro ito sa kanyang kapatid ngunit ginagamit ng buong pamilya.

Ayon sa ilang testigo, may sumakay umano sa sasakyan at mabilis itong pinatakbo. (Bendict Abaygar, Jr.)

Previous articleJericho Rosales at Cesca Litton, madalas mag-date sa PBA games!
Next articleMura, tumilapon palabas ng tricycle

No posts to display