IPINAGMAMALAKING ihandog ng Viva Films at Alliud Entertainment ang unang kolaborasyon nina Direk Yam Laranas at ni Yam Concepcion sa horror movie na Nightshift na showing sa mga sinehan on January 22.
Ang kwento ay iikot sa morge kung saan ang karakter ni Yam ay nagtatrabaho bilang assistant ng isang pathologist.
Hindi naniniwala si Yam sa mga kababalaghan, ngunit on that night ay nakaririnig siya ng mga tunog na tila galing sa mga bangkay. Higit pa doon, nakikita niya ang paggalaw ng mga ito.
Ilang beses nang pinuri si Direk Yam sa kanyang mga kakila-kilabot na pelikula tulad ng “Aurora” (2018), “The Road” (2011) at “Sigaw” (2004), kung saan nagwagi siya ng Special Award sa Brussels International Festival of Fantasy Film (BIFFF).
Paano ba gumawa ng isang horror film?
“I want to see what’s real out there and I translate them into (a) real scary (story) because that has a connection to a lot of people…It becomes relatable. And when you translate that into something horrifying, it touches people’s fears, nightmares and skeletons in their closet.”
Dagdag pa ng director, “Location is another character in a horror film. It is where fear and paranoia are created.”
Ayon pa sa direktor, mahalaga din ang musika para paigtingin ang kilabot sa pelikula. Kaya naman muli siyang nakipagtambalan sa mga taong naging responsible sa award-winning music and sound ng pelikulang “Aurora” na sina Oscar Fogelstrom at Albert Michael Idioma.