VLOG WATCH: Megan Young and Mikael Daez answers why they don’t have a child YET

Vlog Watch

MAHIGIT isang taon nang mag-asawa ang Kapuso stars na sina Mikael Daez at Megan Young. Bago sila ikinasal noong Januay 25, 2020 ay nine years din sila magkasama bilang magkarelasyon.

Marami ang napapatanong kung bakit nga ba hindi pa rin nagbubuntis si Megan? Bakit ’tila dinedelay ng dalawa ang pagbubuo ng isang pamilya kahit pa sila ay nasa wastong edad na at parehong may naipundar na mula sa kani-kanilang showbiz careers?

‘Yan mismo ang sinagot ng mag-asawa sa kanilang Megan & Mikael Podcast na napapanood din sa kanilang joint vlog channel. Dito ay pinagusapan din nila ang kanilang career choices at kung anu-ano ang mga naging pros and cons ng kani-kanilang desisyon including which course to take in college at ang pagsali ni Megan sa beauty pagaents na naging hudyat ng kanyang pagsungkit ng 2013 Miss World crown.

Kung kayo ay nasa point ng inyong personal life na kayo’y litong-lito, pakinggan mo ang podcast worth-hearing na ito. Love it!

Previous articleJulia Montes bagong leading lady ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsyano’
Next articleRurouni Kenshin Films to Watch on Netflix