VLOG WATCH: Kyline Alcantara react to mean comments and articles (ouch!)

Vlog Watch

KAHIT noong child star pa lang si Kyline Alcantara sa teleseryeng Anna Liza ng ABS-CBN ay nasanay na ito sa negative comments from bashers. Effective kasi ang kanyang pagganap bilang kontrabida kay Andrea Brillantes, na ngayon ay isa din sa bankable stars ng Kapamilya Network.

Sa paglipat niya sa GMA Network ay hindi tinantanan ng mga negatron si Kyline dahil napakahusay nito sa pagpapahirap kay Bianca Umali sa Kambal, Karibal noong 2018. Sabi nga ng iba, siya ang isa sa pinakabonggang bida-kontrabida ng kanyang henerasyon.

Kahit na nagbida ito on her next two series ay marami pa rin sa kanyang mga fans ang hinahanap ang kanyang ‘mean’ side onscreen, kaya naman ipinakita niya ulit ang kanyang maldita side sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’ na magtatapos ngayong gabi. With that being said, may mga bashers pa rin si gurl!

Dahil dito ay napagtripan ng dalaga na basahin ang mga negative and mean comments na kanyang nabasa mula sa mga netizens. Grabe din tirade ng iba, ‘ha?! Lerkie!

Previous articleKAHIT WALANG KARANASAN: Ayanna Misola, tinodo ang pagpapainit sa ‘Kinsenas, Katapusan’
Next articleJade Lopez excited nang makilala at makapiling ang baby # 2!