VLOG WATCH: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado covers ‘Silly Love Songs’ by Paul McCartney & Wings

Vlog Watch

LOVE MO BA ang bandang The Beatles lalo na si Paul McCartney? Then you’re in for a treat!

Sa latest CoLove ng real-life sweethearts na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ay inawit nila ang fun and romantic song ni Paul McCartney with his post-Beatles band ‘Wings‘ o ‘Paul McCartney and Wings‘ na pinamagatang ‘Silly Love Songs‘.

Nakakaaliw ang cover na ito ng DenJen dahil si Dennis ang lead singer and drummer at si Jennylyn naman ang bassist! Yes, naging real-life Paul and Linda ang magdyowa!

Sa dami ng stress na nakikita natin sa balita at social media, maganda rin na balikan natin ang mga awiting nagpasaya sa atin noong tayo’y bata pa. Certified music lovers sina Dennis at Jennylyn kaya naman hindi na kataka-taka na love nila ang The Beatles (as seen on their shirts sa video na ito). Ang ‘Silly Love Song’ ay isinulat ni Paul McCartney noong 70’s bilang sagot niya sa mga tao na nagsasabi na puro cheesy love songs lang ang nasusulat niya. Ang rebuttal niya? What’s wrong with that? Oo nga naman! What’s wrong with that? All we need is love!

Bilang isang Beatles fan, we appreciate this cover from Dennis and Jennylyn. Nawa’y mas marami pang fans ng dalawa ang ma-enganyo na makinig ng mga awitin ni Paul McCartney, Wings at s’yempre, The Beatles!

Previous articleRicci Rivero, ayaw magmarunong sa Anti-Terrorism Bill
Next article5 Filipino Movies mapapanood na sa Netflix ngayong Hunyo

No posts to display