Venus Raj, tigang!

Mula nang bumalik si Venus galing US, napakarami na niyang endorsements na nakahain para sa taong ito. Bongga ang endorsers ng Pizza Hut Ultimate Cheese Pizza – ang 4th runner up ng Miss Universe na si Venus Raj at ang Miss World Philippines 2010 Czarina Catherine Gatbonton ang mga bagong mukha ng Pizza Hut bukod kay Diether Ocampo. Maraming issues na kinlaro si Venus at bumilib kami sa mga sagot nito, lalo na ang mga tungkol sa showbiz.

Bago pa man daw pumutok ang isyung sinabihan siya ng chaka ni Marian ay tinawagan na siya ng Endless Love star para magpaliwanag. Maayos na nag-usap ang dalawa at kung sakali man daw na totoo ngang sinabi ni Marian Rivera ang mga ito, eh hindi lang naman daw siya nag-iisa sa ganitong opinyon. Wala raw kay Venus ‘yon at napaka-humble talaga ng pagkasagot ng dalaga.

“Tigang ako” – ‘yan ang katagang ikinagulat namin nang tanungin namin si Venus kung may boyfriend ba siya ngayon. Sa tangkad, ganda at talino ba naman ng beauty queen na ito, bakit walang nagtatangkang manligaw sa kanya, huh?! Good news ‘yan para sa mga barakong may balak magpalipad-hangin sa beauty queen, keri?

By Faith Salazar

Photos by Mark Atienza

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleAngelica Panganiban, Niregaluhan ni Derek ng 2.5-carat Diamond Earrings!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #171: October 1-3, 2010

No posts to display