Ricky Gumera successful ang transition from pageantry to showbiz world

Leo Bukas

SUCCESSFUL ang naging transition ni Ricky Gumera mula sa pagsali sa mga male pageants hanggang maging artista sa pelikula. Si Ricky ay nanalong Mister Global Philippines noong 2019 at naging kinatawan ng Pilipinas para naman sa Mister Global International ginanap sa Thailand.

Ricky Gumera

Debut film naman ni Ricky ang controversial movie na Anak Ng Macho Dancer na prinodyus ng Godfather Productions at idinirek ni Joel Lamangan. Kasama ng newbie actor sa pelikula sina Sean de Guzman, Jay Manalo, Jaclyn Jose, Alan Paule, Rosanna Roces at marami pang iba.

Bakit sinabi naming successful ang transition ni Ricky? Kasi, kahit baguhan pa lang si Ricky sa showbiz industry ay nagkaroon na agad siya ng award.

Pinarangalan si Ricky  bilang Most Promising Actor of the Millennium ng Asia Pacific Luminare Awards (APLA) on its 4th year dahil sa ipinakita niyang husay sa pag-arte sa Anak Ng Macho Dancer. Ginanap ang awarding ceremony sa Okada, Manila noong June 26, 2021.

Ani Ricky, “Isa poi tong malaking karangalan at kayamanan na hinding-hindi ko malilimutan.”

Ayon pa sa kanya, magsisilbing inspirasyon ang natanggap na award para pagbutihin pa ang pagganap sa mga susunod pang pelikula na kanyang gagawin.

Kasama ring pinarangalan ng Asia Pacific Luminare Awards ang long time friend naming si Meg Perez na manager ni Ricky at ng iba pang personalidad na sumasali sa iba’t ibang pageants. Ibinigay ng APLA kay Meg ang Most Exceptional Pageant Guru and Tourism Advocate of the Millennium Award.

Meg Perez and Ricky Gumera

Si Meg ang manager ni Binibining Pilipinas candidate No. 13  Alexandra Mae Rosales ng Laguna na bagama’t hindi nag-win sa Binibini nitong July 11, 2021 ay nananatiling positibo ang outlook sa buhay. Si Meg din ang managing director ng Megamodels at president and nationa director ng Mister Grand Philippines.

Both Ricky and Meg are also into business. May Megilitas Kyusina at My Beshtea Milk Tea Bar (location: Roosevelt Avenue, Quezon City) si Meg. Ricky is busy naman sa kanyang Papz Dried Products.

Ricky Gumera

Ang maganda pa sa dalawang ito (Ricky and Meg), habang kasagsagan ng pandemic dahil sa covid-19 ay nagsasagawa pa sila ng charity works by organizing community pantries para sa ilang barangay na nangangailangan. Good riddance, indeed.

Anyway, going back to Ricky, hihintay niya na lang na umokey na ulit ang sitwasyon para masimulan ang ibang projects na naka-line-up for him. After Anak ng Macho Dancer, tapos na ring gawin ng binata ang Kontrabida na pinagbibidahan naman ni Superstar Nora Aunor mula sa direksyon ni Adolf Alix.

Previous articleCristine Reyes ibinahagi ang naging encounter sa Diyos
Next articleVLOG WATCH: Tom Rodriguez and Carla Abellana’s Wedding Planning!

No posts to display