Paul Salas and Mikee Quintos are exclusively dating!

IT’S CONFIRMED: Kapuso stars Paul Salas and Mikee Quintos are exclusively dating!

Ito mismo ang walang paligoy-ligoy na kinumpirma ni Paul Salas sa kanyang recent guesting sa morning talk show na ‘Mars Pa More’.

Paul Salas and Mikee Quintos

Sa ‘Pasabog na Chika’ segment ng programa ay tinanong ng mga hosts na sina Camille Prats, Iya Villania at Kuya Kim Atienza kung may ‘something’ na namamagitan sa kanila ng ‘Apoy sa Langit’ lead star.

“Meron” nakangiting sagot ng binata.

Pahabol niya, “Meron. Ano kami… ‘Di kami nagmamadali pero dating kami. Dito ko lang sinabi ‘yan sa Mars [Pa More].”

Unang nagkasama sina Paul Salas at Mikee Quintos sa programang ‘The Lost Recipe’ na ipinalabas noong nakaraang taon. Kay Kelvin Miranda nili-link ang karakter ni Mikee noon at sawi sa pag-ibig ang karakter ni Paul, pero iba ang takbo ng kuwento sa totoong buhay.

Kahit mahigit isang taon na nang ipalabas ang huling episode ng programa ay madalas pa rin na naiispatan sina Paul at Mikee sa mga personal na lakad nila. Sa mga campaign sorties ng mga kamag-anak ni Mikee ay madalas din na nakikita si Paul.

Congratulations to our new Kapuso couple! Pagsasamahin kaya sila sa isang proyekto soon? Abangan!

Previous articleVLOG WATCH: Toni Gonzaga’s Shoe Closet Tour by Alex
Next articleWinwyn Marquez nanganak na!