MMFF movie na ‘Write About Love’ hindi “the usual romcom”

Leo Bukas

DIRECTORIAL debut ni Crisanto Aquino ang TBA Studios film na Write About Love pero masuwerteng napasama agad ito sa top 8 films ng 2019 Metro Manila Film Festival na mapapanood simula Dec. 25.

Unexpected para kay Direk Cris na mapasama sa MMFF ang movie niya pero ayon sa kanya may nakita marahil ang MMFF Selection Committee na interesting sa pelikula kaya nila ito pinili.

‘Write About Love’ lead stars Rocco Nacino, Miles Ocampo, Joem Bascon and Yeng Constantino

“Ako, ang pinanghahawakan ko pa rin yung ano niya, the way ikinuwento yung pelikula. It’s not the usual that we watch. It’s not the usual romcom na may pamilya, may confrontation, may break-up, may sampalan, hindi siya ganun, eh.

“Iba yung pagkalatag niya, yung pagkalatag niya kailangan mo lang silang subaybayan at panoorin yung journey nila bilang character – sobrang character-driven siya,” pagmamalaki ni Direk Crisanto about his film.

Hindi rin daw talaga intended for the MMFF ang Write About Love at meron na talaga silang playdate para dito.

Aniya, “Nag-start kaming mag-shoot nito December last year (2018), tapos natapos kami February this year, so ang layo. Hindi siya pinag-uusapan na dapat pang-filmfest.

“Nung una kasi naka-October siyang playdate, tapos yon nga, napag-usapan na why not let’s try to submit sa filmfest. Desisyon yon ng mga TBA bosses, eh.”

‘Write About Love’ Director Crisanto Aquino

Bago maging isang ganap na director ay nagsimula muna bilang extra sa TV at pelikula si Direk Cris. After that ay nag-work naman siya bilang production assistant, script continuity at assistant director sa Star Cinema.

“Long time AD po ako ni Direk Chito Rono kaya marami akong… when it comes to learning, sobrang dami kong natutunan sa kanya,” kuwento pa niya.

“Sobra akong na-inspired kay Direk Cathy (Garcia-Molina), Direk Mae (Cruz), kay Direk Rory (Quintos). Kasi yung mga nag-start din as PA, script con, AD, kasi ang gagaling nila, eh.

“So parang sila yung parang naging inspiration ko and model na ayokong magdirek agad nang hindi ko pinagdadaanan yung proseso  kasi gusto ko na alam ko talaga yung gagawin ko, which is really true. Kasi nung nagdirek na ako hindi ako gaanong nahirapan kasi alam ko na yung gusto kong vision, alam ko na kung paano siyang gawin,” lahad pa ng Write About Love director.
Bida sa Write About Love sina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Joem Bascon at Yeng Constantino.
Previous articleIS SHE ‘THE ONE’? Mark Herras, gusto nang pakasalan si Nicole Donesa
Next articleBidang aktor sa Indonesian version ng ‘Kita Kita’, kahawig talaga ni Empoy

No posts to display