Madam Inutz niregaluhan ng bahay at lupa ng manager, naglabas din ng Christmas song

Leo Bukas

UMAARIBA ang career ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si Madam Inutz (Daisy Lopez). Sa loob ng PBB house ay siya ang mama-bentang live seller ng Cavite.

Todo alaga siya  ng kanyang manager, ang former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist na si  Wilbert Tolentino.

Madam Inutz and Wilbert Tolentino

Bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother ay ini-release ang kanyang debut single  na ‘Inutil’.

Nag-record din siya ng  kanyang second single entitled ‘Sangkap ng Pasko.’

Kung novelty ang unang kanta niya, ballad naman itong bagong awitin niya. Tumatagos sa puso ang   mensahe ng kanyang Christmas song.Marami ang makare-relate mula sa isang mahirap na tao na gaya ni Madam Inutz na ang sangkap ng Pasko ay pamilya. Kay sarap ng feeling na sama-sama  sa pagdiriwang nito.

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makare-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay ang pagmamahal sa pamilya,” deklara ni Wilbert.

Literal na umiyak ang ina ni Madam Inutz nang marinig ang ‘Sangkap ng Pasko’dahil dama niya ang hugot ng kanta, gayundin ang kalahagahan ng pamilya.

Lumabas na ang official music video ng ‘Sangkap ng Pasko’ sa YouTube  Channel na Daisy Lopez .

Samantala, walang tigil ang sorpresa ni  Wilbert sa kanyang alaga. Bago rin pumasok sa PBB si Madam Inutz  ay binigyan siya ng bahay at lupa  ng kanyang manager sa Bulacan. Naiyak ito sa tuwa.

Mapapanood sa Wilbert Tolentino VLOGS  ang buong detalye ng regalo niya.

“Huwag ka na umiyak.Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” bulalas ni Kuya Wil.

Motivation gift ito para paghusayan pa ni Daisy ang  laban niya sa Pinoy Big Brother para manalo siya. 88 square meter ang house and lot  pero ang  floor area  niya ay 55 square meter. Kailangan pa itong bakuran  kaya pagagandahin nila ito habang nasa PBB house ang alaga.

“Dalawang palapag siya pero  balak ni Sir Wil na   gawing third floor para matirhan ng buong pamilya ni Madam Inutz. Puwede rin itong lagyan ng tindahan.

Hindi siya magarbo pero puwedeng daanan ng tao at nasa bungad ng subdivision.

Sey pa ni Sir Will  maraming isinakripisyo si Madam Inutz  na endorsement.

“Puwede naman siyang kumita sa labas although pinili ko  na ipasok siya sa PBB,” sambit pa ni  Wilbert.

Maraming inilaan na pagbabago at  plano si  Kuya Wil na kaabang-abang para kay Madam Inutz at sa kanyang mga supporters.

Previous articleVLOG WATCH: Pa-ayudang ‘Nagbabagang Luha’ BTS ni Glaiza de Castro!
Next articleAljur Abrenica, ayaw nang magsalita pa tungkol kay Kylie: ‘Nasabi ko na lahat ang gusto kong sabihin’