Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nagplano ng surrogacy dahil inakalang ‘di na magkaka-baby

MASAYA sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na nabuntis sa natural na paraan ang aktres. Hindi nakasi natuloy ang original plan nila na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy.

Sumailalim din daw sila sa tinatawag na fertility treatments at nagplano na rin sa paghahanap ng surrogate. Bumiyahe din ang dalawa sa Amerika para maghanap ng fertility specialist at surrogate.

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

“So, naka-harvest kami ng five eggs. Pero isa lang yung excellent egg, so parang tapon din yung apat — isa lang talaga. Isa lang yung nabuo ko,”  sey ni Jennylyn.

“Pero embryo na yon. Embryo na siya kasi nag-fertilize,” dagdag naman ni Dennis.

Sabi pa ng dalawa, may kinausap na rin daw sila para maging surrogate ng kanilang baby.

“Napili namin na perfect para doon sa embryo na yon. Pagkatapos naman, okay na lahat, okay na. May schedule na ng implant. Nakilala na namin yung surrogate.

“Mababait sila, tapos magpipirmahan na lang kami ng kontrata and ii-inject na lang yung embryo sa kanya ngayong October dapat,” kuwento pa ni Dennis sa panayam ni G3 San Diego.

Nasa lock-in taping si Jennylyn nang malaman niya na nine-week pregnant na siya sa first baby nila ni Dennis.

“Nasa lock-in taping ako nu’n so meron kaming 10-day quarantine sa hotel dito lang sa Manila. Tapos yung feeling ko yung parang lahat ang pangit. Nung pagpasok ko sa hotel, ayoko yung hotel, nagdala ako ng vacuum, naglinis ako nang buo, tapos umiiyak ako kasi, ‘Bakit ang dumi’ yung ganu’n.  Grabe yung emotions ko.

“Hindi ko alam kung bakit, yung inaaway ko siya (Dennis). Sinasabi ko sa kanya, ‘Wala ka kasi dito kaya hindi mo alam yung feeling na parang kawawang-kawawa yung feeling ko. Ang lungkot-lungkot ko. Napaka-emosyonal ko.

“Tapos after nung 10-day quarantine na yon, na-survive ko naman siya nang malungkot buong quarantine,” kuwento ng aktres.

Reaksyon naman dito ni Dennis, “Nag-away pa kasi kami nu’n bago siya mag-quarantine kasi di ko na rin siya maintindihan. Sabi ko, ‘Anong nangyayari sa ’yo?’”

“Sobrang weird na weird daw siya sa akin kasi, ‘Di ka naman ganyan? Anong nangyayari sa ’yo?’ Ito ay nangyari two months ago. Doon ko na feel na parang medyo iba ko, eh. Medyo emosyonal ako.

“Iba yung pakiramdam ko kasi lagi akong nag-a-acid reflux, naghe-headache ako, may nausea na. Parang doon ako napaisip na —  hala. Saka delayed ako for a week, kasi usually, nade-delay ako three days lang, four days. Hindi ako lumalagpas ng one week. Sabi ko kay Dennis, bumili siya, padalhan ako ng test, ng PT (pregnancy test). Doon namin nalaman…” reaksyon naman dito ni Jennylyn.

Previous articleSenatorial candidate Herbert Bautista hinikayat ang mga tao na bumalik sa sinehan
Next articleKelvin Miranda recording artist na rin, naglabas ng single na ‘Slow Dance’