Jennylyn Mercado at Dennis Trillo engaged na; kinumpirma ang pagbubuntis

SOME WEEKS AGO ay naantala ang lock-in taping ng upcoming action-romance show na ‘Love. Die. Repeat‘. Ito sana ang kauna-unahang pagtatambal nina Jennylyn Mercado at ng bagong Kapuso na si Xian Lim. Dahil sa health complications ng aktres ay napagdesisyunan ng network na itigil muna ang pagti-taping ng programa at hindi raw papalitan si Jennylyn. Bibigyan na lang daw muna ng ibang proyekto si Xian Lim at ang iba pang artistang kasama sa proyekto.

May suspetsa na ang ilang fans and supporters, pero naging patient sila sa paghintay ng kumpirmasyon mula sa aktres.

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

Sa wakas ay dumating na ang takdang panahon. Yes, Jennylyn Mercado is pregnant. And also yes na engaged to be married na sila ni Dennis Trillo!

Noong October 29 ay nagbigay na ng ekslusibong panayam ang showbiz couple tungkol sa importanteng detalye sa kanilang relasyon.

“Positive ako…9th week. Ang timing niya ay nasa taping ako ng Love. Die. Repeat. Ito ay nangayari two months ago. Doon ko na feel na parang medyo iba ko eh. Medyo emosyonal ako, iba ‘yung pakiramdam ko,” pagbabahagi ni Jen.

After eight years since they gave each other a second chance at love ay nagpropose na si Dennis kay Jen. Simple lang ito at ginawa sa bahay dahil na rin sa maselang pagbubuntis ng aktres.

“Siyempre gusto ko hindi naman masyadong magarbo. Sa panahon ngayon dapat maging praktikal. Ginawa ko ‘yung pinaka simple pero at the same time heartfelt,” paliwanag ni Dennis.

Bet daw ng dalawa na sana’y Baby Girl ang kanilang maging anak.

“Sa tamang oras, sa tamang panahon, sa pagkakataon na ready ka na siguro, saka siya ibibigay talaga. May two boys na kami so sana ibigay sa amin, baby girl,” sambit ni Jennylyn.

Sa kanilang bagong vlog ay ibinahagi ng soon-to-be married couple ang kanilang engagement story.

Congratulations to Dennis and Jennylyn! Matagal nang inasam ng mga fans ninyo ang balitang ito! Stay in love and stay happy!

Previous articleTWO NEW PINOY ZOMBIE FILMS: ‘Izla’ at ‘Sa Haba ng Gabi’ mapapanood na
Next articleJomari Yllana hindi nangangarap ng mataas na posisyon sa gobyerno