HINDI KINAYA ANG LDR: Jose Sarasola at Maria Ozawa hiwalay na

HIWALAY NA ang Celebrity Chef turned Kapuso actor na si Jose Sarasola sa kanyang girlfriend for almost five years na si Maria Ozawa.

Ito mismo ang kinumpirma ng hunk chef sa pamamagitan ng panayam sa kanya ng PEP.PH.

Maria Ozawa and Jose Sarasola

“To be honest, wala na kami. It’s been difficult, e, it’s been very hard. LDR is very hard. We never expect this to be difficult,” pag-amin niya.

Ayon sa kanya, nagdesisyon sila na tuluyan nang maghiwalay nang landas noong Disyembre lamang. Itinanggi naman nito na may third party na involved. Wala rin silang big fight na humantong sa kanilang pagbi-break.

“Last December, we had a talk. We mutually agreed to part ways. Pero wala naman kaming pinag-awayan, big fight, third party. Wala naman talagang away. It’s, like, ang hirap lang talaga ng LDR. We didn’t expect na ganito kahirap talaga,”

Umalis ng bansa at bumalik sa Japan si Maria noong nag-uumpisa pa lang ang pandemya. Akala nila ay tatlong buwan lang ang itatagal ng global pandemic. Hindi nila inakala na aabot ng dalawang taon.

“She left knowing na baka after three months baka mawala eventually, little did we know na naging global pandemic na siya. Up to now, she never came back. Nahihirapan talaga siya kasi sa mga rules ng mga foreigners coming back,”  paliwanag ni Jose.

Noon daw ay tinatawagan nila ang isa’t isa araw-araw.

“But as time went by, it just took a heavy toll on the both of us, e. Nahirapan kaming dalawa. Medyo hard na to continue the relationship, parang it’s hard when your partner is not here,”

Kahit na sila ay hindi na magkasintahan, na-maintain naman ang kanilang friendship.

“We both agreed na it’s the best for us now that we both go our separate ways,”

Nag-umpisang mag-date sina Jose at Maria noong 2017. Malay natin, baka soon ay may maganap na balikan, ‘diba?

Previous articleIG-OFFICIAL NA: Nadine Lustre, ipinakilala na si Christophe Bariou
Next articleLolo Delfin ng ‘Ang Probinsyano’ inindorso si VP Leni Robredo