Gerald Anderson, front lang si Kim Chiu!

Ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson (KIMERALD) ang maituturing na isa sa pinaka-successful na loveteam sa bansa ngayon. Mula kasi nang lumabas sila sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Teen Edition, naging sunud-sunod ang dating ng grasya sa kanila bilang magka-loveteam.

Nagbida sila kaagad sa mga TV shows, movies at sandamakmak din ang kanilang product endorsements. Minahal sila agad ng kanilang fans na hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin sila.

Bali-balitang kumalas na raw ang ibang fans ng Kimerald sa grupo dahil sa diumano’y panloloko ni Gerald Anderson kay Kim Chiu. Kalat na kalat ngayon ang balitang nagtangka nga raw mag-suicide si Kim Chiu dahil nag-break na raw sila ni Gerald Anderson. Ayon sa mga intrigero’t intrigera, si Bea Alonzo na raw ang bagong girlfriend ni Gerald. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang kampo ng aktor tungkol dito.

Pero teka… naging sina Kim at Gerald nga ba?

Two years ago ay kumalat ang balitang nililigawan diumano ni Gerald Anderson ang Eat… Bulaga! star na si Pauleen Luna. Umamin ang dalaga pero ang binata’y todo-deny sa nasabing isyu. Matatandaang sumama pa ang loob ni Pauleen dito, pero mas pinili na lang din niyang manahimik dahil siya rin lang ang mapapahiya kung patuloy siyang ide-deny ng aktor.

May natanggap kaming mga larawan na patunay diumano ng pagkakaroon ng ‘special’ relationship nina Pauleen at Gerald noon. Hindi ito matatawag na publicity photos dahil pawang mga close friends ng dalawa ang kanilang mga kasama.

Kamakailan naman ay pumutok nga ang balitang si Bea Alonzo na raw ang bagong girlfriend ni Gerald (o nililigawan?). May nagpadala rin sa amin ng mga larawan na, ayon sa sender, patunay raw ito na very close ngayon ang dalawang Kapamilya stars na wala namang pagsasamahang project.

Kung totoo nga na si Gerald pala ay may mga pinopormahang ibang girls, ang ibig sabihin ba nito ay matagal na niyang niloloko at pinaaasa si Kim, o baka naman talagang wala silang relasyon? At para mapunan nga ang ilusyon ng fans ay nagkunwari na lang sila? Ano ba talaga Gerald, sino ba talaga sa kanila?!

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleDahil sa sinabi ni James Yap sa anak: Kris Aquino, hinding-hindi mapapatawad ang asawa!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #146: August 4-5, 2010

No posts to display