Engrandeng kasalan nina Kris Bernal at fiancé hindi na itutuloy

Leo Bukas

HINDI NA matutuloy ang engrandeng kasalan na unang pinlano  nina Kris Bernal at ng kanyang fiancé na si Perry Choi. Ito ang kanyang inamin sa interbyu ng DZRH (courtesy of Gorgy Rula) kamakailan lang.

Gusto ng magkasintahan na gawing simple na lang ang kasalan dahil sa pandemic dala ng covid-19 health crisis.

Kris Bernal and Perry Choi

“Ang plan talaga namin, next year, mga May o September. Balak naming i-move sana, pero naisip namin, bakit hindi na lang tayo mag-simple wedding. Kasi, since magpapagawa naman kami ng bahay,” lahad ni Kris.

Patuloy ng dalaga, “Parang gusto na lang naming ibuhos yung gastos sa house. Kesa sa bonggang wedding na bawal din naman, di ba? Sina-suggest nga niya sa akin, ‘Alam mo, magpakasal na tayo para may dahilan ka para magtipid.”

Ayon pa kay Kris, kahit simple lang ang kanyang kasal ay gusto niya pa ring magkaroon ng bonggang wedding gown.

Aniya, “Oo, simple lang, pero yung makapag-gown naman sana ako nang bonggang-bongga. Kahit sa gown man lang.”

Kris Bernal

Malilimitahan na rin ang guests nina Kris at Perry sa kanilang wedding. Close friends mula sa showbiz at pamilya na lang ang maaari nilang imbitahan.

Sa mga taga-showbiz ay kabilang daw sa iimbitahan ni Kris ay sina Aljur Abrenica, Rayver Cruz, Megan Young at iba pang ka-batch niya noon sa Starstruck.

Samantala, sa post ni Kris sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niyang open na ulit for dine-in ang resto nilang House of Gogi na matatagpuan sa Roces Aveune, Quezon City.

Previous articleCesar Montano, inilantad ang mystery girl na nakunan noon sa nag-viral na video
Next articleBangs Garcia, ibinunyag ang sikreto sa likod ng pagpapapayat 2 buwan pagkatapos manganak

No posts to display