Cryptic posts ni Carla Abellana, pinag-uusapan

HALOS isang buwan matapos pumutok ang balitang may ‘di pagkakaunawaan diumano ang mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, nagbahagi ng ilang cryptic posts ang aktres tungkol sa follow / unfollow features ng Instagram noong February 22. In particular, tungkol sa pagfollow/unfollow ng mga importanteng tao sa buhay mo.

Carla Abellana

“I find it very ‘grade school’ to unfollow-follow important persons in your life on social media within a short timeframe.

“On the other hand, it may actually be a skillful move if you’re playing a spiteful game.

Naging usap-usapan sa showbiz ang pag-unfollow ni Tom Rodriguez kay Carla Abellana noong nakaraang buwan. Dahil dito ay kumalat ang balitang nagkakalabuan diumano ang mag-asawa, na ikinasal lang noong Oktubre last year.

Dahil sadyang malawak ang imahinasyon ng mga tsismosa ay nadamay ang co-star ni Tom sa The World Between Us na si Kelley Day, na kasalukuyang nasa United Kingdom. Itinanggi nito na may kinalaman siya sa napapabalitang hiwalayan ng bagong kasal na showbiz couple.

May pahabol din na paalala si Carla Abellana sa kanyang fans at followers.

“Thank you for your time, everyone! And always BE CAREFUL.

“Oh, and while we’re at it, I might as well remind everyone to be more mindful about DISTRACTIONS and DIVERSIONS especially on social media.”

Previous articleErich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz boyfriend?
Next articleVLOG WATCH: Kim Chiu and Xian Lim’s Valentine Getaway (may Q&A!)