Stars Candid: Chicks ni Dingdong, Ibubunyag na!

Kaabang-abang talaga ang Philippine adaptation ng Stairway to Heaven, ang Koreanovelang nagpaiyak at nagpaantig sa puso nating lahat. Sino ang hindi makakalimot sa masalimuot na kinahinatnan ng pag-iibigan nina Cholo at Jodi? Ganun pa man ay gusto pa rin ng ating mga kababayan na matunghayan muli ito sa telebisyon.

Ibinunyag na ng GMA-7 na si Dingdong Dantes ang gaganap sa papel na Cholo. Ang hindi na lang nila sinasabi ay kung sino ang magiging leading lady niya. Imposibleng si Marian Rivera ulit dahil nakatoka na ang Darna dito. Maraming mga pangalang lumalabas, pero wala pa ring kinukumpirma ang Kapuso network.

Sino kaya ang magiging Jodi ni Dingdong? Habang wala pang sagot sa katanungang iyan, ating balikan ang mga babaeng nakatambal ni Papa Dong. Makakasama niya kaya muli ang isa sa kanila? Hmmm… Sino ba ang bet nyo?

Stars Candid

By Mica Rodriguez, Photos By: Luz Candaba, Marvin Candaba, Fernan Sucalit and Parazzi Zoon

Previous articlePauleen Luna, binabanatan ng friends ni Cristine Reyes
Next articleBlind Item: TV celeb itatago ang pagbubuntis

No posts to display