MAHIGIT WALONG TAON na pala ang nakararaan, magmula nang ibulong ko kay Zoren Legaspi ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Carmina Villaroel at Rustom Padilla. Sa isang location iyon ng teleseryeng Paraiso, kung saan nasa cast din sina Mandy Ochoa at Mickey Ferriols at line producer ang kaibigang Reggie Magno na napakalaking tao na ngayon sa Kapuso Station.
Walang inaksayang panahon si Zoren. Hindi niya napigil ang damdamin na matagal na palang kinimkim para sa babaeng separada. Hindi naman nabigo si Zoren and before I knew it, sinundan na niya si Carmina sa States, para panagutan ang kambal na nasa sinapupunan nito.
Ngayon, kailangan kong ipaalala kay Zoren na kung hindi sa inyong lingkod, wala sana siyang Carmina ngayon at kambal na nagbibigay sa kanya ng labis-labis na kaligayahan. Sa presscon ‘yun ng All My Life na ipalalabas na sa June 29, sa Kapuso network.
Wala nang mahihiling pa si Zoren ngayon. Carmina turned out to be more than what he expected her to be. “Parang dalaga pa rin ang turing ko sa kanya at ganu’n din siya sa akin. Walang rules na dapat sundin sa pagsasama namin. Walang pressure at lalong walang expectations.
“There are some exceptions though,” patuloy niya. “Kapag ginagabi siya sa trabaho, iyon, l’ll check up on her at itinatanong ko kung susunduin ko siya.”
May dahilan din kung bakit kanya-kanya sila ng kanilang kinikita. Mina became so in-demand at first and Zoren opted to stay at home to take care of the kids. Isasakripisyo niya siyempre ang kanyang pride at ang panahon at pagkakataong tumulong sa family finances.
“He was never insecure. He did all the things na hindi ko magawa. Buti na lang at nang lumaki ang mga bata, there was my mother-in-law who helped us with the kids. Kaya, nakapagtrabaho na siya,” mula naman kay Mina.
“Ngayon, nag-aagawan pa kami kung sino ang magbabayad kapag nag-dinner kami sa labas o kung magkakasama kaming maggo-grocery. Uso sa amin ang kung sino ang meron, siyang taya.”
Bukod sa nai-produce na indie movies, may isang istoryang ginagawa si Zoren ngayon. “Actually, may kinalaman ito sa istorya ng buhay ni Rustom, este, BB Gandanghari. Ewan ko kung interesado siya, pero ako, seryoso. Kukunin ko siya bilang BB at hindi bilang Rustom, dahil sabi nga niya, patay na raw si Rustom.
“Pinag-iisipan ko pa kung ano ang gagawin kong ending.
IMPRESSED NA IMPRESSED din si Zoren kina Aljur Abrenica at Kris Bernal, kung ikukumpara sa ibang mga kabataang artista ngayon.
“Sila talaga ang mag-e-effort na lumapit sa amin para ipakilala ang kanilang sarili. Kasi ako, hindi ako lalapit sa kanila nang kusa. Marespeto sila at may breeding!
Nauunawaan din niya kung bakit iyak nang iyak si Kris habang papasok sa grand hall na handog sa kanila ng Kapuso network.
“Ikaw ba naman ang handugan ng ganito kagandang launching, hindi nga mapipigil ang emotions,” aniya patungkol sa iyaking bida.
Lalong napaiyak si Kris nang palapit na sila sa gitna ng presidential table at lagyan ng mahabang belo kung saan nagmukha siyang totoong bride.
Sangkatutak ba namang bulaklak ang dekorasyon sa paligid at pawang magagandang gowns at tuxedos ang suot ng lahat ng miyembro ng cast.
Royal Couple of Daytime Drama Series nga silang matatawag. Na sinang-ayunan nina Zoren, Lani Mercado, Gelli de Belen, Jay Manalo, Manilyn Reynes, Paolo Avelino, Gladys Guevarra, Jay Aquitania, Jade Lopez, Steff Prescott, Brayan Tremulo, Chris Cayzer, Moymoy Palaboy, Byron Ortile at Martin delos Santos. Sa direksyon ito nina Mac Alejandre and Andoy Ranay.
BULL Chit!
by Chit Ramos