INAABANGAN NA: ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’ nina Jane Oineza at Tony Labrusca, milyon agad ang trailer views!

SABIK NA SABIK ‘yata ang fans ng mga bida ng highly-anticipated barkada movie ng 2019 na ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’, huh? Paano ba naman, in one day ay umabot agad ng mahigit sa isang milyong views ang official trailer ng bagong obra ni Direk Jason Paul Laxamana.

Early this year ay nilabas na ng Regal Entertainment ang
ilan sa mga pelikula nila for 2019 at itong ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’
ang isa sa anim na pelikulang patikim ng movie outfit. Akala ng mga fans ng mga
bida na sina Tony Labrusca, Jane Oineza, Albie Casino, Jerome Ponce at Myrtle
Sarossa ay intended for Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 ang movie. Well,
mukhang mas swak nga for October ang barkada film na ito at may fanbase na rin
naman ang mga Kapamilya stars na kasali rito.

First time ni Tony na lumabas sa isang Regal Film. Sina
Albie at Myrtle naman ay ilang beses na rin lumabas in supporting roles while
Jane and Jerome topbilled the summer love story na ‘Finding You’.

Based on the trailer, iba’t ibang issues ng Gen Z ang
tinatalakay sa pelikulang ito. Nariyan ang usaping career, money, sexuality and
of course, love and lust.

Goodluck sa cast members and crew ng bagong barkada film ng
Regal! May this exceed Walwal, na hindi namin sure kung ano ang final
box-office stand nito knowing the hype they created with the loveteams
featured. Hindi kami susuko!

Previous article‘Cuddle Weather’, hindi kailangan ng masyadong intense sex scenes — Direk Rod Marmol
Next articleGINAMIT LANG SA PUBLICITY: Showbiz Village ni Imelda Papin, drawing at hindi totoo

No posts to display