MATAGAL NA PALANG ipinadala ng Team Mark ang e-mail na ito sa inyong lingkod. Isang grupo sila sa mga nagmamahal kay Mark Bautista na kalian lang ay nag-tour sa U.S. cities, tulad ng Guam, Honolulo, Las Vegas, Los Angeles, San Francisco, Stockton, Reno, Seattle, Washington DC, New Jersey, Chicago, Houston, at San Diego.
Gusto nilang ipahatid kay Mark ang kuwento tungkol sa isang batang nangangalang Amy Gercun, isang special child with Irish heritage, with no Filipino blood at all. Nagkataong naghahanap ang kanyang mommy ng isang bagay na puwedeng mapanood ng kanyang anak, to calm her down, tuwing susumpungin. Nagkataong may promo for free preview ang ASAP. It was shown on TFC na nagkataong pinanonood ni Amy. Mark was singing “I Need You.” Suddenly, natahimik si Amy. Doon nagsimula ang pagnanais niyang makita si Mark na kumakanta ng personal, kahit hindi niya maiintindihan ang ating lengguwahe.
Amy’s mom went online with Starry Starry Store to buy CDs of Mark, DVD din, dahil lagi-laging hinahanap ng bata ang anumang mapapanood o maririnig tungkol sa iniidolong singer.
“SHE EVEN WENT all out to be in contact with a fan club so she can be updated with Mark’s upcoming U.S. shows. Suwerteng nakausap niya online ang isang Kimberly Galang na tumulong sa kanila para makabili ng ticket sa isang outlet. She bought VIP tickets for Redwood City Show last March 28 of this year. Amy and her Mom, came late for the show, and when they came in, Amy’s mom was already hearing foul remarks from a Caucasian security guard, saying “Here comes a retardate.” Still, it did not stop them. They just kept walking and ignored the remark. Unfortunately, at the door of the theatre, they were told that they can’t go in anymore,” patuloy nila.
This is why we are writing you (meaning Bullchit). Amy got mad and her heart was agitated. Her pulse rate was rapidly increasing. She has a hole in her heart and they were just waiting for her surgery. But because of that incident, there was no time anymore to wait. Amy needed surgery immediately. She was never the same again. She went into coma after the surgery and on April 24 at 3 A.M. (U.S time), Amy passed away.”
BINALOT NG LUNGKOT ang inyong lingkod after my daughter Fatima, read this to me. Nakadama ako ng kakaibang kalungkutan at sinisi ko ang aking sarili dahil hindi ko agad ito nabigyan ng atensiyon.
When Mark learned about this, he dedicated a medley for Amy in his concert at the San Deigo Convention Center. It was a night to remember for all those who knew Amy. Sometime this year, balak nilang i-dedicate ang isang special day for Amy. They are willing to wait for Mark’s availability, because they know he will be obliged. Dahil dito, nabuo ang Team Mark. Para bantayan at alagaan ang mga tagahanga ni Mark na makalapit sa kanilang idolo, lalo’t mga katulad ni Amy ang nasasangkot.
KUNG ISANG PINOY sana si Amy, tiyak na hindi siya mabibigo at lalong hindi niya daranasin ang napakasakit na pangayayaring ito. Iba kasi kung tumingin at magpahalaga ang mga Pinoy sa isang katulad ni Amy.
Pagmasdan n’yo na lang ang mga special children na nadadalaw sa Wowowee. Binibigyan sila ng special attention. Pinauupo sa harap at nireregaluhan ng kung anu-ano. Malaking bagay sa kanila na ang mga special people ay napapaligaya. Hindi katulad sa ibang bansa na nilalait-lait sila. Dini-discriminate at tinatratong parang hindi tao.
Sana nga, isang Pinoy si Amy. At sana rin, dito siya nakatira sa ‘Pinas. Magtatagal pa sana ang kanyang buhay at kung sakali mang hindi maiwasan ang kanyang paglisan, hihimlay siyang maligaya.
BULL Chit!
by Chit Ramos