Para tigilan na si Marian Rivera: Bela Padilla, bibigyan ng maraming projects?!

NAGAWANG PAG-AYUSIN NG GMA-7 sina Marian Rivera at Bela Padilla sa isang closed door meeting last Tuesday.  Sandali lang daw ang nasabing pag-uusap na tumagal lamang umano ng 10 to 15 minutes.

Bagama’t nagkaayos na, umiwas na ang dalawa na magpa-interview pa sa mga nakaabang na crew ng mga showbiz talk shows ng Siyete. ‘Yon din daw kasi ang advice kina Marian at Bela ng pamunuan ng Kapuso Network – tuldukan na kung anuman ‘yong iringan na namamagitan sa kanila at kapwa manahimik na lang.

Kapansin-pansin daw na masaya si Bela pagkatapos ng meeting na ‘yon. Si Marian naman, nagmamadali raw umalis para dalawin sa ospital si Dingdong na pinayuhang magpahinga muna dahil sa diumano’y findings na bumamaba ang blood platelets nito.

Matapos magkaayos nina Marian at Bela, nagpalabas ng official statement ang GMA 7: “GMA management met with all parties concerned sorrounding the alleged issues that happened in the set of Endless Love.  An agreement has been reached not to give further comment or opinion on the matter that has unfortunately been blown out of proportion.  Marian Rivera being GMA’s prime artist has agreed to put this matter behind. Bela Padilla on the other hand being one of GMA’s newest talents and potential star as well has also graciously agreed to comply. The network acknowledges that misunderstanding and disagreement are inevitable as we go through demanding production assignments. Harmony and professionalism should nonetheless prevail. We request everyone to respect the decision of both parties to put this to rest.”

At dahil diyan, sarado na ang usapin. Wala nang demandahan pang mangyayari. Hindi na kailangang mapilit pa si Marian na sagutin kung totoo nga ba o hindi ang mga naging alegasyon sa kanya ng kampo ni Bela. Wala nang dapat ipag-public apology. At hindi na rin magka-karoon ng kasagutan kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang may mali o nagkasala.

May mga nagtatanong din, bukod sa unang napabalitang naipangako kay Bela na isasali siya sa cast ng Captain Barbell na muling pagbibidahan ni Richard Gutierrez, may nadagdag pa kayang iba pang mas bonggang projects na ibibigay sa kanya kapalit ng pananahimik na niya?

Abangan na lang natin. Baka biglang bida na rin si Bela sa isa sa mga future projects na gagawin niya sa GMA.

Keri na naman niyang magbida. Dahil kilalang-kilala na siya ngayon matapos ang kontrobersiyal na awayan nila ni Marian.

‘Yon na!

SA STATEMENT NAMANG inilabas din ni Dingdong Dantes kaugnay sa maintrigang naging iringan nina Marian Rivera at ng baguhang co-star nila sa Endless Love na si Padilla, marami ang humanga sa aktor sa ginawang paninindigan na suportahan at idepensa niya ang kanyang girlfriend at ka-loveteam. Isang patunay raw ito kung gaano talaga kamahal ng binata ang aktres.

At dahil diyan, balitang na-touched daw nang husto si Marian. Kunsabagay, kahit naman siguro sino, gano’n ang magiging pakiramdam kung ang isang taong mahal mo ay ipinakikita rin kung gaano ka kamahal at kung gaano siya handang manindigan para sa ‘yo sa kahit anumang situwasyon at pangyayari.

At hindi na issue kung mali ba o nasa tama si Marian para kampihan at ipagtanggol ni Dingdong. Kasi’y gano’n naman talaga ang nagmamahalan.

Naman!

BLIND ITEM: ANG taray naman ng byuti ng isang medyo chubby na baguhang TV personality na segment host sa isang showbiz-oriented show. Balita kasing lately, isang kilalang award-winning actor na naging action star din noong kasagsagan ng kasikatan nito ang nahuhumaling sa kanya ngayon.

Panay raw ang text ng aktor na ito kay chabelita na segment host bilang pagpaparamdam na type nga nito ang huli na hindi makapaniwalang sa dinami-dami ng babae ay siya pa ang nakursunadahang pormahan nito. ‘Yon nga lang, afraid daw si segment host na i-entertain ang panliligaw ng aktor dahil may asawa ito.

Marami nang nakarelasyon ang aktor na dating action star. Guwapo naman kasi ito lalo na during his younger days. Si segment host naman, pretty ang face at may appeal kahit medyo chubby-chubby.

Saang show siya napapanood? Hanapin n’yo sa Twitter!

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleKrissa Mae Arrieta, nakipagtukaan sa kapwa babae
Next articleRainier Castillo at Rodjun Cruz, Naghubad na Rin!

No posts to display