NAPAKA-STRAIGHT FORWARD KUNG sumagot si Matt Evans, walang paligoy-ligoy. Kahit ilang taon na rin silang magka-love team ni Melissa Ricks, hindi niya ito niligawan. “Ayaw kong masira ‘yung friendship namin ni Melissa, dahil karamihan sa magka-love team kapag niligawan mo at naging sila, nasisira ‘yung samahan at hindi nagtatagal ang love team. Kaya mas magandang magkaibigan na lang kayo. Relax na kami sa isa’t isa at walang hazzle pagdating sa trabaho nagagawa naming mabuti ang bawat eksena,” banggit ni Matt sa prescon ng Your Song Presents Underage with Melissa, Empress Schuck, Lauren Young, Valeen Montenegro, AJ Perez, Enchong Dee at Rafael Rosell.
May karanasan na rin naman si Matt pagdating sa babae. “Lahat naman tayo dumadaan d’yan, kaya normal lang sa lalaking magkaroon ng experience. ‘Yan ‘yung time na hindi pa ako artista kaya okey lang, pero sa ngayon mahirap dahil may image kang iniingatan. Hindi ko masabi kung kailan at kung sino ang magiging girlfriend ko. Darating na lang ‘yan kung talagang nakatakda para sa ‘yo – showbiz man siya o hindi,” dugtong pa ng young actor.
Habang sa kainitan ng interview kay Matt, may nagsabing bombilya raw ang kargada ng binata na pinatotohanan naman ng aming kaibigan, sabay hipo. Walang malisyang nagpahawak naman ang actor at biglang naintriga ang mga kafatid sa hanapbuhay. “Hindi ako ang may sabi, kayo, ha?!” Natatawang sabi ni Matt na very confident sa kanyang pagkalalaki, dahil may cobra pala itong itinatago sa kanyang harapan.
Medyo may paka-sexy ang papel na gagampanan dito ni Melissa bilang si Celina, pinaka-confident sa tatlong magkakapatid. “This is different sa mga nagawa ko na, medyo mature role na, dahil hindi naman ako bata. Teenager pa rin ako but we’re going into the transition of becoming adults. May mga sensitive scenes din akong gagawin dito at ‘yun ang pinaghahandaan namin ni Direk,” pagmamalaking turan ng young actress.
LALONG PANANABIKAN ANG bawat eksena ng Tayong Dalawa sa pagpasok ng karakter ni Jodi Sta. Maria bilang Angela Rodriguez, ang kapatid ni Loretta (Mylene Dizon) na nagtrabaho sa ibang bansa at nagbalik-‘Pinas. “This time hindi ako kontrabida, ako ang magiging tagapangtanggol ni Kim laban kay Stanley (Spanky Manikan). It’s about time naman sigurong maging mabait ako. Na-excite ako ng i-offer sa akin itong soap dahil magagaling ang artista, mataas ang rating at very challenging ‘yung role ko,” pagbibida ni Jodi.
May eksena kayang magkasama sina Jodi at Baron Geisler, na kasama rin cast? “Wala yata, sana mayroon dahil magaling na artista si Baron at gusto ko rin naman uli siyang makatrabaho in a professional level.”
Ano naman ang masasabi ni Jodi sa dating ex-boyfriend sa mga negative issue na naglalabasan laban sa actor? “I know naman, mabait na tao si Baron, hindi lang natin alam kung bakit nagkaganu’n. Lahat naman ng bagay may dahilan at hindi natin alam kung ano’ yun. Sa tingin ko masyado lang siyang nag-i-enjoy sa buhay. Mabait siya bilang tao, ini-enjoy lang niya ‘yung life niya. Lahat naman tayo dumarating sa maraming trial, alam kong malalagpasan din niya,” sambit ni Jodi na very relax sa kanyang tinuran.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield