AYAW NA SANANG idirek ni Jun Lana si Marian Rivera sa pelikulang Tarot ng Regal Entertainment dahil pawang negative feedbacks ang naririnig niya. Alam niyang mahihirapan siya dahil mahirap na nga ang gumawa ng pelikula, magkakaroon pa ng mahirap na katrabaho, aba’y teka muna.
Buti na lang at pinag-usap muna sila ni Roselle Montaverde. Natuklasan ni direk na marunong naman pala siyang mag-handle ng success. “Hindi naman siya iba kaysa Marian na hinandle ko noon sa ‘Wag Kang Kukurap. At least nag-e-effort siyang maging nice hindi lamang sa akin, kundi sa mga kasama namin sa pelikula. So, sabi ko, ituloy na natin, “ pahayag niya. “Naging interesado siya sa story ng pelikula at sa mga locations na pupuntahan namin. Iyon marahil ang isang pagbabago nang sumikat siya. Mas may lalim na siya ngayon. Alam na niyang much is expected of her, kaya alam kong gagaling pa siya habang tumatagal.”
Hindi nga nataka si direk Jun nang malaman niya umabot na sa 46.% ang dating 44.1% ratings ng Darna series nito kahit noong hindi pa siya lumilipad. Paano na lang ‘yan kung lumipad na siya at makita ng televiewers na gifted siya, tulad din ng lahat ng Darna.
“Actually, gifted din ang role niya sa Tarot,” patuloy ni direk. “May abilidad siyang makita ang future sa pamamagitan ng paggamit sa tarot cards. Winarningan na siya ng kanyang ina na huwag gamitin ang powers niya, pero, nilabag niya ito dahil sa matinding pagmamahal kay Dennis (Trillo). Bigla na lang kasing nawala ang binata. Kahit sinabi ng mga tao na patay na ito, hindi siya naniwala. Para malaman kung ano talaga ang nangyari, ginamit niya ang tarot cards ng namatay niyang lola. Natagpuan niya si Dennis, pero, maraming kababalaghan na muntik bumawi ng kanyang buhay ang kanyang naranasan .”
Takot na takot tuloy si Marian, kung kaya’t ipinaliwanag niya na hindi naman nagkakaroon ng negative effect sa mga fortune tellers o tarot card readers ang paggamit noon. “Hindi manyayari, dahil nag-research naman kami. Ayokong sabihin ng mga tao na dahil sa pelikula namin, eh, magkakaroon nga ito ng negative effects. Nag-hire kami ng consultant na laging nasa set. Gina-guide niya kami pagdating sa pagbabasa ng tarot cards. Ayaw namin ng maling pang-unawa sa tarot card reading. Ito pa naman ang unang horror movie na tungkol sa baraha, kaya unique ang story.”
SINAMPOLAN SI DENNIS Trillo ng tarot reading kailan lang. At mukhang totoong dahil hindi puro negative ang resultang nakukuha dito.
Actually, after the incident, bumalik agad si Dennis sa taping niya ng Adik Sa’Yo with a smile on his face dahil positive naman talaga ang nangyayari sa kanyang buhay, lalo na sa kanyang career lately.
Maganda rin ang rating ng primetime serye niya. As a matter of fact, napatunayan pa niyang magaling din siya sa comedy. Animo’y tunay siyang Batanggenyo na pinag-aawayan ng mga chickas tulad nina Jennica Garcia na anak ng magaling na aktres na si Jean Garcia.
Nabanggit din ni Dennis ang pag-akyat nila ng bundok Banahaw habang ginagawa ang Tarot.
“Gusto ko sanang i-enjoy ang pag-akyat ng bundok, gawing exercise dahil 3 hours kaming naglakad paakyat. Pero, habang daan, padilim nang padilim. Nang nasa tutok na kami, puro ulap. Wala na kaming nakunan. Baba kami uli at naghanap ng ibang bundok. Simpleng sabihin, pero, nakakapagod,” kuwento ni Dennis.
“Malaki ang kaibahan nito sa Matakot Ka Sa Kulam na ginawa namin noon ni Judy Ann Santos,” pagtatapat niya. “Puro indoors ang mga eksena namin doon, samantalang dito ay mostly outdoors naman. Mas malalaki kasi ang naco-cover ng istorya. Ilang generations. Naniniwala din ako na mas nakakatakot ito kaysa Kulam, pero, ginagawa nain lahat ng precautions sa bawa’t araw ng shoot.
Pinagdarasal kami lagi ni Direk Jun.”
BULL Chit!
by Chit Ramos