Katrina remains mum on Vicki-Hayden reconciliation

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

NAKATANGGAP KAMI NG statement mula sa GMA 7 network matapos makipag-usap sina Atty. Felipe Gozon at anak nitong si Annette Gozon-Abrogar sa controversial talent manager na si Tita Annabelle Rama tungkol sa kontrata ni JC De Vera.

Sa nasabing meeting, naipaliwanag ni Atty. Gozon kay Tita Annabelle na ang GMA 7 ang may “option to renew” ng kontrata ni JC.

Ayon pa sa statement, “Ms. Rama understood and said that JC De Vera wants to stay in GMA long term and he just wants to be assured of GMA’s support for his career. Atty. Gozon told Ms. Rama that JC De Vera had the support of the station in the past and that there has been no change in this support. Ms. Rama agreed to accept the roles that will be assigned to JC by the Network. As previously planned, JC will soon be appearing in a sinenovela in GMA’s sinenovela timeslot.

Laman pa ng naturang statement ang paliwanag ni Atty. Gozon tungkol sa “casting talents.” Sabi ng release, ” if there are any concerns from the talents themselves or their managers, they can always reason out with the Network and the Network will listen to what they have to say. The final decision, however, shall always rest with the Network. Ms. Rama agreed with Atty. Gozon’s point.”

Tungkol naman daw sa mga alegasyon ni Tita A, laban kay Ms. Galvante, SVP of GMA Network, “Atty. Gozon told Ms. Rama that he cannot stop Ms. Galvante if she decides to file a case against Annabelle Rama in her personal capacity. He asked Ms. Rama to try to refrain from further speaking about these issues. He also told Ms. Rama that he would similarly request Ms. Galvante to do the same.”

At bilang panghuli, sinabi pa sa pahayag na, “Atty. Gozon affirms that GMA 7 is a professional organization and that it lives up to one of its core values that its people are its best assets.”

ANO NAMAN KAYA
ang masasabi ni Katrina Halili ngayong may balita ngang nagkabalikan sina Dra. Vicki Belo at nobyo nitong si Dr. Hayden Kho?

Pilit mang iwasan ni Katrina ang isyung ito (kaya marahil hindi siya napagkikita sa promo ng Sundo), tiyak na mapipilitan siyang magsalita kahit ng ‘no comment’ at mauugnay ang name niya.

Ayaw paniwalaan ng marami na siya ‘yung tipo ng tao na mananahimik na lang. Tsika nga ng mga nagmamasid, “nagpapalamig lang iyan.”

This time around kaya, magpa-Sundo na si Kat sa tinatawag na ‘resbak?’

COMEBACK MOVIE PALA ni Sunshine Dizon ang Robin Padilla starrer na Sundo. Sinadya nga raw na unahan nang tawagin ni Shine ang action superstar ng ‘kuya’ para hindi na ito makadiskarte sa kanya.

Heto nga’t natapos na ang movie na bukod tanging si Rhian Ramos (isa sa mga leading ladies ni Binoe sa movie) lamang ang very vocal sa pagsasabing super star-struck siya sa aktor. Umabot pa nga raw ito sa puntong halos ipakita nitong super fan siya ni Robin.
Well, baka naman hindi lang type ni Robin ang mga gandang gaya ni Shine?

Oppss, additional trivia lang na nalaman namin, dapat pala ay kasama sa movie na ito si JC de Vera. Pero dahil sa busy raw ito noon, si Hero Angeles nga ang nag-take over sa role niya. Hmmm… alam kaya ni Kuya Germs iyan? (Tumatayong manager ni Hero).

Si Direk Topel Lee ang may likha ng Sundo at dahil malapit kami sa kanya, lubos kaming naniniwala na maganda ito, o mas maganda pa nga sa well-acclaimed niyang Ouija noon.
Showing na ito ngayong Marso 18 at may malaki itong premiere night sa Martes, Marso 17 sa SM Megamall. See you there!

Previous articleSarah G. and Mark Bautista leave for US tour
Next articleAnnabelle vs. Wilma: The Fight is Over

No posts to display