Dahil sa pagkaka-link kay Gerald Anderson: BEA ALONZO, BIKTIMA NG HATE CAMPAIGN

MAYROON NA TALAGANG kumakalat na hate campaign para kay Bea Alonzo sa ngayon. Siyempre pa, ang pinagmulan ng intriga ay ang tungkol sa pagkaka-link ng magandang young actress kay Gerald Anderson. Sa ngayon ay medyo nakasuot pa ng maskara ang mga naninira sa original na ka-loveteam ni John Lloyd Cruz, dahil nagpapanggap pa sila, na diumano’y mga fans ng dalaga, at diumano’y nagkakaisa na sila ngayon na bumitiw sa kanilang idolo.

Kaya sa ngayon, ang dapat siyasatin ni Bea ay kung totoong mga fans nga niya ang may kadramahang bumibitiw na raw ng suporta sa kanya, na nagte-text at nag-i-email din sa mga manunulat sa showbiz, para iparating ang kanilang reklamo. Hindi na kasi ito nakapagtataka na mangyari kay Bea, dahil nu’ng panahong si Sarah Geronimo ang gawan ng plano para ipareha kay Gerald, bigla na lang ding nagkaroon ng hate campaign para kay Sarah, kung saan kung anu-anong panlalait ang natanggap niya. Ito ang dahilan kaya hindi na lang itinuloy ang plano na magkasama ang singer-actress at ang ka-loveteam ni Kim Chiu sa isang project.

Napagbibintangan din siyempe, na diumano’y baka mga fans nina Kim at Gerald ang may pakana ng mga kumakalat ngayong paninira laban kay Bea. In fairness naman kay Kim, ipinapaliwanag niya sa mga fans nila ni Gerald, na hindi talaga maiiwasang ipareha sila sa ibang artista. Kauna-unawa rin kung magselos man ang kanilang mga fans na maipareha sila sa iba, dahil doon nasusukat ang pagmamahal ng mga tagahanga sa kanilang idolo. Kaya lang, unfair din naman para kay Bea ‘yung panlalaglag ngayon tungkol sa kanya, na kaya lalayasan siya ng kanyang mga fans ay dahil sa kung sinu-sinong mga lalaki ang nali-link sa kanya. Ang babaw namang dahilan n’yon, huh!

HINDI AFFECTED SI Angel Locsin kung marami man ang kumukuwestiyon kung bakit kahit na ang tagal-tagal niyang walang proyektong teleserye at mga pelikula, mukhang hindi siya naghihirap. Hindi katulad ng ibang mga artista na kapag walang trabaho ay mahahalata mong naghihirap sa buhay, dahil dumadaing at nangungutang sa kapwa nila mga artista. Ang huling teleserye kasi niya ay ang Only You ng ABS-CBN at ang huli niyang pelikula ay ang Love Me Again ng Star Cinema.

Ang unang salita na ibinuwelta ni Angel sa mga kumukuwestiyon sa kanya, ang katipiran niya at pagiging masinop sa perang kanyang kinikita sa kanyang pag-aartista, mula noon hanggang ngayon. Hindi raw siya gumagastos nang sobra pa sa kanyang kinikita. Pumapasok na rin siya sa mga negosyo na pinagkakaabalahan niya kapag wala siyang teleserye at pelikula. Bukod pa riyan ay mabenta at epektibo rin siyang product endorser, ‘di ba naman? Malaki rin ang talent fee niya riyan, kaya solved na rin siya kesehodang ang tagal-tagal niyang walang pelikula.

Happy ngayon si Angel, dahil bongga na naman ang kanyang showbiz career. May pelikula siya kasama si Aga Muhlach, under Star Cinema. Sila ni John Lloyd ang magkapareha sa teleseryeng Imortal ng Dos. Naglalagare siya ngayon sa dalawang mahalagang proyekto, kaya hindi muna niya pinapansin ang magkaroon ng lovelife. Hayan tuloy, nakabitin pa ang pagbabalikan nila ni Luis Manzano, habang nakapila pa rin ang ibang mga lalaki na nagpapa-ramdam ng panliligaw sa kanya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleRumored boyfriend ng young star, may naanakan na?!
Next articleMadalas maubusan ng pera dahil sa bisyo: Guwapong Young Actor, Text Brigade ‘Pag Nagpapa-booking!

No posts to display