Boy Abunda, binalewala ni Mariel Rodriguez?!

OLA CHIKKA! NAGULAT ang lahat matapos ibalitang nag-indefinite leave ang host-actress na si Mariel Rodriguez. Noong Martes ay kapansin-pansin ang pagkawala ni Mariel sa kanilang noontime show na Pilipinas Win Na Win. Agad namang nilinaw ng kanyang co-host na nagbabakasyon lamang siya at babalik din.

Agad naglipana ang iba’t ibang ispekulasyon kung saan siya raw ay nag-resign na dahil ayaw na niyang mag-host sa PWNW, lumitaw rin ang isyu ng pagpunta niya sa ibang bansa at walang makapagsabi kung kailan ang kanyang balik. Isa pa sa mga chikkang pumutok ay itong pagdadalang-tao niya kaya nilisan ang bansa.

Napabalita ring ang dahilan ng kanyang pag-alis sa bansa at pagpunta sa India ay upang samahan ang kanyang boyfriend na si Robin Padilla sa paggunita ng Ramadan.

Pero ang malinaw at sinabi niyang dahilan ay itong pagbabakasyon at pagpapahinga sa ibang bansa dahil sa stress at sobrang pagod sa mga intriga at maging sa kanyang trabaho, ngunit babalik din naman siya. Hindi nga lang sinabi kung kailan.

Ano man ang dahilan ng kanyang paglisan sa ‘Pinas at mga katanungan ay masasagot daw sa Sabado sa one-on-one interview kay Mariel sa E-Live. Kaya sa ngayon, kanya-kanyang konklusyon muna tungkol sa isyung ito.

Maging ang kanyang manager na si Boy Abunda ay mukhang nagulat sa desisyon ng kanyang alaga. Maraming tao ang hindi nagustuhan ang nangyari sa kanilang relasyon ng ex-boyfriend niyang si Zanjoe Marudo at nadagdagan pa nitong mga isyung kinasasakutan niya dahil sa present boyfriend niyang si Robin Padilla. Sa mga nangyari ay maraming nagsabi na sariling desisyon niya ang mga iyan at walang kinalaman ang kanyang manager.

Kaya lumalabas tuloy na binalewala niya si Boy Abunda sa mga nangyari, dahil matapos pangalagaan ang kanyang career ay ganu’n kabilis nalagyan ng negative na image si Mariel.

Sa bagay, bad publicity is still a publicity, ‘di ba? Salamat na lang tayo at maunawaain ang kanyang manager… Oh, pag-ibig hahamakin ang lahat masunod ka lamang… Puso, puso, puso! Puro na lang puso… Ha-ha-ha!

NALALAPIT NA ANG world premiere ng Tarima sa Cultural Center of the Philippines Main Theatre (Nicanor Abelardo Theater) sa August 28, 2010, na pinangungunahan nina Fanny Serrano at Gloria Romero.

Maituturing na ito ay comeback ni Fanny dahil after ng ilang decades na pag-concentrate sa fashion world ay nagbalik-loob na siya sa showbiz industry. Dahil sa ganda ng pelikula at galing ng mga artista, talagang kaabang-abang ang pelikula lalo na sa kakaibang ikot ng istorya sa bawat karakter.

Tiyak na pag-uusapan ang pelikulang ito dahil hindi pa man naipalalabas ay iba’t ibang intriga na ang kumakalat at isa sa mga kakatuwang chikka ay ang hindi pagdalo ni Gloria Romero sa premiere night, dahil baka hindi pa man natatapos ang
showing ay kuyugin na siya ng mga manonood dahil sa kakaibang pagpapahirap kay Fanny…

Kung nahihiwagaan kayo kung ano pa ang mga eksena sa pelikulang ito ay saksihan n’yo mismo. Gamit ang inyong mata ay mamangha sa pagkakagawa at pagkadirek ni Direk Neal “Buboy” Tan. Dahil kung namangha kayo sa world class film niyang Ataul for Rent, tiyak mas mamamangha kayo sa kanyang bagong pelikulang Tarima.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong echoserang julalay ng isang matandang host na sinisiraan mismo ang kanyang mentor?

Ang chikka kasi, itong julalay raw ay ipinagkakalat na kung kailan daw tumanda ang kanyang host mentor, tsaka raw lumandi. Pak!

Bading nga ang matandang host at mukhang nababaliw daw sa isang young actor na kung saan ay kahit hindi puwede sa pelikula or hindi bagay sa karakter ay pilit isinasali ng matandang host sa casting itong young actor.

Naku, huh! Echoserang assistant, dapat na ginagalang ang nakatatanda at tandaan mo na siya ang nag-angat sa iyong career at sino mang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan… may stiff neck! Wa-ha-ha!!

Sa bagay, hindi na nakagugulat kung bakit ganyan ang ugali mo dahil sa grupo ng iyong mga repapipz ngayon ay hindi malabong nahawaan ka ng kanilang masamang ugali. ‘Yun na!

Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 -12 nn kaya makigulo at maging una sa chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMarunong kasing lumugar: Joey de Leon, ‘di na kailangang intrigahin kay Willie Revillame!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #153: August 20-22, 2010

No posts to display