Blind Item: Homegrown talents ng isang network, pinagbawalan aminin ang relasyon

May tsikang nakarating sa amin na binawalan diumano ang
dalawang homegrown talents ng isang network na aminin ang tunay na namamagitan
sa kanilang dalawa.

Ang rason? Hindi kasi sila magkaloveteam at hopeful pa rin
ang network na bobongga pa ang fanbase ng dalaga at kanyang ka-loveteam na
ex-boyfriend niya.

Last year ay lumabas ang tsismis na hiwalay na ang dalaga at
ang kanyang ka-loveteam dahil sa isang non-showbiz girl. Nadamay pa nga ang
co-star nila sa isang teleserye na tila ginawang puntirya ng mga haters.

Ang bagong dyowa ng dalagang aktres ay isang binatang aktor
na nakawala na sa dati niyang ka-loveteam na diumano’y naging girlfriend din
niya. Sa ngayon ay ipinapares ang binata sa isang leading lady na imposibleng
maging dyowa niya in real-life dahil may steady partner ito. Gayunpaman,
masuwerte sila dahil nagkaroon ng fanbse ang kanilang pairing dahil hindi
maikakaila ang kanilang onscreen chemistry.

Well, okay lang naman kung ayaw sila pagsamahin sa isang project, pero awkward
lang ang pinapagawang gimik sa ka-loveteam ng aktres na may paandar nung
Valentines lalo pa’t hindi rin maikakaila na may mas kabog na paandar ang tunay
na boyfriend nito.

Siguro nga ay kung magtatambal man ang real-life na magdyowa na ito ay mas okay
kung sa big screen. Ano sa tingin niyo?

Previous articleHERE COMES MARIA: Cristine Reyes, ang bagong action heroine na aabangan sa big screen!
Next articleBuwis-buhay na performance ni BelladonnaQuin at puwet ni Clique V Marco, tinilian sa concert!

No posts to display