Beteranang aktres, ‘di na nakapagtimpi: malditang aktres, sinampal, ‘di nga lang umabot!

MAY NANGYARI palang eksena sa isang taping na kinabibilangan ng tatlong aktres.

Magkakaeksena ang tatlo at habang hindi pa nagte-take ay kanya-kanya silang ayos ng kanilang damit. Isang okasyon kasi ang kukunan.

Isang beteranang aktres ang pumunta sa isang table at gusto niyang makiupo. Sabi ng isang aktres ay taken na raw ang seat dahil doon uupo ang isa pang veteran actress.

Nang tapos na ang eksena ay lumapit ang much younger actress sa beteranang aktres at pinuri ang damit nito. Sabi pa ng hitad, saan daw hiniram ng aktres ang kanyang suot.

Hindi na nakapagtimpi ang beteranang aktres at umastang sasampalin ang kapwa niya aktres. Mabuti na lang at may distansiya sa kanila kaya hindi inabot ang pisngi nito.

Naloka ang mga tao sa set. Umawat naman ang isa pang beteranang aktres.

(By Alex Brosas)

Previous articleMocha, binabastos ang bandera ng Pilipinas sa sexy music video?!
Next articleMagaling magdala kaya ‘di nahahalata: aktres at aktor, nagkatikiman kahit walang relasyon!

No posts to display