Baliw sa pag-ibig: Mariel Rodriguez, sinundan si Robin Padilla sa India!

IKINAGULAT NAMIN ANG pansamantalang pamamaalam ni Mariel Rodriguez sa Pilipinas Win Na Win para sundan si Robin Padilla sa India. Mabilis kumalat ang bali-balita na buntis diumano ang dalaga sa biglaan nitong pag-alis sa noontime show. Sa isang interbyu, sinabi nito na walang katiyakan kung kailan siya babalik ng ‘Pinas. Ang importante magkasama sila ni Binoe at handa siyang suportahan sa mga plano nito sa buhay.

Maging si Boy Abunda ay naloka sa naging desisyon ni Mariel, pero nagkausap naman sila nang masinsinan ng kanyang alaga bago ito tumulak papuntang India. Sa isang interview, nilinaw ni Kuya Boy ang mga issue tungkol kay Mariel. “Para kang magulang, marami kang tanong, marami kang pag-aalinlangan, pero nari-realize mo that Mariel is very happy. Ayaw kong magsinungaling na siya’y nagpapahinga lamang ng dalawang araw sa isang lugar, hindi! She’s not pregnant and she’s not getting married, it’s all about love!” Paglilinaw ni Kuya Boy na masaya sa relasyon ng dalawa.

Palibhasa very much inlove sa isa’t isa sina Mariel at Robin kaya hindi malayong magpakasal agad ang mga ito. Para sa TV host, ang action star na raw ang itinakdang maging kapalaran niya kaya lahat gagawin in the name of love. Ang ikinagusto ni Mariel kay Robin, may sarili itong paninindigan, ipinaglalaban ang pagmamahal sa babaeng tunay na nagmamahal sa kanya.

KAHIT NATAPOS NA ang tensiyon sa pagitan nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo marami pa rin ang nagtataas ng kilay sa pagbabati ng dalawa sa ASAP XV last Sunday. Pakitang-tao lang daw ang batian nila isa’t isa para nga mamatay  ang issue tungkol sa kanilang tatlo ni Rayver Cruz.

Sinabi ni Cristine na okey na sila ni Sarah at madalas siyang batiin nito tuwing nagkikita sila sa dressing room. Ang Pop Princess pa nga raw ang lumalapit sa sexy star para lang mag- hello at ‘yun ang hindi raw nakikita ng mga tao, ayon sa dalaga.

Pinagdiinan pa ni Cristine na hindi na sila nag-uusap ni Rayver dahil wala na raw dapat pang pag-usapan. Nasabi na niya ang dapat malaman ng publiko kaya kung sakaling manligaw uli ang binata, malabong sagutin uli niya ito. Hindi malinaw sa mga binitawan niyang salita na naging mag-on sila ni Rayver bago sila naghiwalay. Marami ang nagpapatotoong naging sila for a while, pero nang malaman niyang naging dyowa rin ng aktor si Sarah, bigla siyang nakipagkalas sa binata.

Pakiusap ni Cristine, patahimikin na silang tatlo nina Sarah at Rayver. Enjoy raw ngayon ang sexy star sa pagiging single. Ang tanong, bakit nakikipag-date siya ngayon kay Christian Bautista? Grabe ang Lola mo, hindi nababakante, matinik talaga sa lalaki, say nga ni Zanjoe Marudo.

HINDI PA RIN mamatay-matay ang issue na nagpakasal na raw sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban sa Africa na agad namang binigyang-linaw ng aktor. ‘No, I will be the first to tell you if ever we got married, sobrang nag-enjoy lang kami sa South Africa. We didn’t get married there at lagi kong sinasabi na rito ako magpapakasal kasi maganda ang bansa natin kaysa sa South Africa.”

Labis na ikinatuwa ni Derek ang pagbabati nina Angel at Gretchen Barretto. Sa totoo lang, ang aktor ang naging daan para maayos ang gusot sa kanilang dalawa. “Hindi ko sila pinagbati, ang sinabi ko lang sa kanya, mabait at mabuting tao itong si Gretchen. Wala namang inisip si Angel na masama tungkol kay Gretchen. Nagbitawan sila ng salita, na pareho ‘yung personality nila na parehong palaban. Na-shock nga ako nu’ng pinapanood ko siya, she apologize and it takes a lot, ‘di ba? Go on national TV na admit na may sinabi kang mali,” paliwanag niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleMaria Venus Raj, impressive ang pakikipagpukpukan sa Miss U!
Next articleEnchong Dee, kinukulit magtrabaho kahit naka-confine sa ospital?!

No posts to display