Vice Ganda, imbiyerna kay Sarah Geronimo?!

PARA KAY Sarah Geronimo, si Gerald Anderson ang dapat tanungin kung niyaya siya ng aktor na mag-date noong nakaraang Valentine’s Day.

“Puwede po bang secret?” sabi ni Sarah when asked kung niyaya siya ni Gerald na mag-date noong  presscon ng bago niyang Kapamilya show na Sarah G Live!.

But later, nakiusap siya na si Gerald na lang ang tanungin about it.

“Puwede po bang siya na lang ang tanungin ninyo kasi nahihiya po ako na manggaling sa akin,” aniya.

Halatang inspired si Sarah sa pagsagot ng mga katanungan noong presscon. Sabi pa niya, nagiging sobrang open na raw siya sa mga issue sa kanya to the point na “napapagalitan na nga po ako kasi medyo tuma-tactless na ako at nasi-share ko na sa inyo ang lahat”.

Pero sabi ni Sarah, welcome naman sa kanya ang Valentine date with Gerald “kung libre naman po ako mamaya at papayag naman ang parents ko bakit naman hindi?”.

Natanong din si Sarah tungkol sa disgusto sa kanya ni Vice Ganda na sinasabing naimbiyerna nang malaman niyang ang Sarah G Live ang ipapalit sa show niyang Gandang Gabi Vice.

“Hindi ko alam ‘yung kuwento. But I heard na gagawa ng bagong show si Vice,” sabi ni Sarah.

To the rescue naman ang director niyang si Erick Salud na nagsabing good for one season lang at na-extend lang ang show ni Vice Ganda at in-assure niyang magkakaroon ito ng bagong show middle of this year.

Paliwanag pa ni Sarah, clueless siya kung bakit may intrigang lumalabas sa kanila ni Vice.

“Hindi ko po alam kung bakit may issue. Magkasama kami sa Hating Kapatid,” sabi pa ni Sarah. Para patunayang wala silang gusot ni Vice ay magge-guest siya sa show nito sa huling episode ng Gandang Gabi Vice.

HINDI NAMIN napapanood ang bagong soap opera nina Marian Rivera at  Dingdong Dantes pero may nakapagsabi sa amin na hawig daw ito sa City of Angels nina Nicolas Cage and Meg Ryan na Hollywood remake ng German movie na Wings of Desire ni Wim Wenders.

Sabi ng friend namin, parehong angels of death sina Nicolas at Dingdong at pareho silang na-in love sa isang babae. Sa German version ng City of Angels ay si Bruno Ganz naman ‘yung gumanap na angel of death. ‘Yan ay napansin ng aming friend.

Coincidence? Let’s talk about originality, Angel Javier!

BLIND ITEM: Nakakaloka itong beauty queen na ito. Sobra itong feel at home sa bahay ng kanyang boyfriend.

Now that she’s not that active anymore ay panay raw ang tambay ng hitad sa home sweet home ng kanyang dyowang actor. Everyday nga raw ay naroroon ito at bonding kung bonding with her boyfriend’s family ang kanyang drama.

What’s quite shocking is that this beautiful personality seems very comfortable in the house of her boyfriend to the point na kapag nagpapa-spa siya ay naka-underwear lang.

Of course, nasa loob naman siya ng kuwarto ng boyfriend niya at wala namang ibang nakakakita kundi ang nag-i-spa sa kanya.

Panalung-panalo naman ang katawan ng hitad dahil seksing-seksi naman talaga siya.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleGrace Lee, taklesa na, sinungaling pa?!
Next article‘Di raw tutulad kay Albie Casiño Alwyn Uytingco, ‘di tatakbuhan si Jennica Garcia kung sakaling mabuntis!

No posts to display