The Pillar
by Pilar Mateo
HE WAS BORN on October 4, in ’64 and he passed away at 44. He was diagnosed with Leukemia on the eight month, August, the eight day, in 2008. The King of Rap Francis Magalona is gone. At libu-libong mga nagmamahal ang nagluluksa sa kanyang pagpanaw.
I had a good many memories shared with the King of Rap – pati na sa kanyang maybahay na si Pia (Arroyo) at mga anak, hanggang sa bunso noon na si Saab. ‘Yun ang mga panahong magkakasama kami, being the master rapper’s spin doctor. Madalas na namin siyang makausap nang gumagawa na siya ng pelikula sa Viva Films at parte na ng That’s Entertainment. And I am proud to say na nang pumutok ang Mga Kababayan Ko, nasa buhay na kami ng master rapper at ng kanyang pamilya.
I became a witness to their wedding in Hong Kong. At nakabalik pa uli kami roon. I was with them when Francis was invited to UN by Ms. Cecille Guidote Alvarez. My first taste of Uncle Sam, in the Big Apple and in San Diego. We toured the different places in the Philippines para palaganapin ang Mga Kababayan Ko. Na-demanda kami, along with a bunch of writers sa pagtatanggol namin kay FrancisM dahil sa salitang ‘balasubas’ na ginamit naming pagsasalarawan sa isang producer na hindi nagbayad sa kanya as front act of some foreign artists. Sila rin ni Pia ang nag-witness sa aking civil wedding, which lasted for only two months. Sila rin ang kasama ko sa pagharap sa isang pagsubok sa isang relasyong walang kasiguruhan.
And we went to move on. Nanahimik muna. And Eat…Bulaga! came into their life. And I would see naman Francis in his gigs in Klownz or other bars. The kids have grown. At may dumagdag pang tatlo – Elmo, Arkin and Clara.
Whenever Pia sees me, muli niya akong ipakikilala sa mga anak. “Your Tita Pilar, from the old school.” At nagkakaintindihan na kami.
Malungkot. May panghihinayang. Na mawala ang isang mahusay na artist sa napakaagang panahon. Pero sabi nga, wala namang ibang magtatakda ng lahat ng nagaganap kundi ang Panginoon. France lived a full life. And was well-lived!
Salamat sa maraming bagay, France. For teaching me so many things din in the world we lived in. Sa pagbi-video sa mga shows mo then, sa paglalaro ng computer games, sa pagkalikot ng cell phone after the pager. Sa mga ideas. Sa mga munting sikreto. Sa tiwala. Sa pagmamahal. And most of all, for treating me like a friend – and being part of your posse.