TEAM BLUE NI GERALD ANDERSON, KINABOG ANG TEAM RED NI DANIEL PADILLA!

BLUE TEAM led by Gerald Anderson

TEAM WORK ang puhunan ng Blue Team nina Gerald Anderson laban sa kinabog na Red Team na pinangungunahan ni Daniel Padilla.

 
93 points over 90 ang score ng labanan na naganap yesterday afternoon sa Araneta Coliseum.
 
Sa kabila ng kasiyahan na dulot ng naturang laro sa mga fans ng mga artista na kasama sa sporting event ng Star Magic ay hindi maiiwasan ang konting sigalot lalo na sa mga fans ni Daniel na nag-react sa konting balyahan between the teenstar at kay JC de Vera na nasa Blue Team.
 
Bilang first timer sa basketball na paandar ng Star Magic, puna ni JC na kasama sa Blue Team: “First time ko maglaro. Wala ako last time. Hindi ko in-expect na ganun pala sila ka-intense,” sabi nito.
RED TEAM led by Daniel Padilla
 
Pero humingi siya ng dispensa kay Daniel sa na nangyari sa gitna ng hardcourt, pero  ang mga fans ni DJ (Daniel) ay super react sa pangyayari.
 
Sa social media, super bashing ang mga faney ni Daniel na nagloka-lokahan na hindi naiintindahan na ang basketball ay isang sport na ang mga pangyayari tulad ng balyahan ay hindi maiiwasan.
 
Pero matapos ang laro ay nagkaayos na rin sina JC at DJ pero ang mga faney, ayaw pa rin tumigil. Kaloka sila!
 
While having my coffee as my favorite kapihan beside Kia Theater and waiting for the Last Full Show of “Finally Found Someone” sa Gateway Cineplex, overheard ang mga supporters ni Daniel na nakasuot ng mga blue t-shirt ay kuda sila ng kuda sa naging resulta ng laro at sa pangyayari at hindi nila matanggap ang nagyari sa kanila idol.
 
Mythical 5: Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, JV Kapunan, Ronnie Alonte & Daniel Padilla
 
Pinarangalan last night bilang Mythical Five sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, JV Kapunan, Ronnie Alonte at Daniel Padilla.
 
Until the next game. More practice and team work para sa Team Red.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleAwit sa Marawi, malaking tulong sa mga pamilya at mga biktima
Next articleENJOY AND HAPPY: Concert ni Vice Ganda sa Korea, successful!

No posts to display