Sharon Cuneta, desidido nang magpapayat!

SUNDAY NIGHT, BALIK na ang tropang hinandugan ni Manila Vice-Mayor Isko Moreno ng trip sa Hong Kong. Ito ang mga press na naging malapit na sa kanya simula pa lang ng That’s Entertainment days niya. At sa puntong ito, ‘yun eh, isang paraan lang niya ng pagpapasalamat sa mga taong all through the years eh, sinuportahan siya through his ups and downs in life. Kaya naman, hindi dapat magtampo ang iba, dahil ito naman eh, parang lakad na pampamilya mula sa puso ng actor-politician.

Anyways, noong ikalawang gabi namin sa HK, noong Sabado na nga pumutok sa amin ang balita na Congressman Ronald Verzosa Singson was nabbed at the Chek Lap Kok International Airport in HK noong July 11.

Ang mga kasama kong editors na sina Butch Roldan and Dindo Balares ang nakabasa ng istorya in a broadsheet. Agad-agad, kinatok nila ako in my room at humarap na kami sa computer. Diumano, dinala na sa Lai Chi Kok Correctional Institute si Congressman Ronald. Google-Google kami ng iba pang istorya, kinalkal ang South China Morning Post kung may istorya ng July 11 or 12 about it. Wala. Kaya call na kami sa airport at nag-check kung may ganoong insidente on the said date, kahit alam naming hindi naman ito ibubuhaghag sa amin. Hinanap din namin ang address ng Lai Chi Kok o kung may mapagtatanungan about it. Somewhere in Butterfly Road sa Kowloon.

Tried texting Jomari (Yllana) about it. Pero ang sagot nito sa akin eh, “Let’s pray for him, my dear.” Habang wala pang kumukumpirma ng totoong kalagayan ni Congressman Ronald, kami-kami naman, ganoon din ang wish. Although alam ng lahat na if it’s drug-related, mabigat nga ang magiging kaso at parusa.

Kalkalan na, usapan na sa Twitter and Facebook. Hanggang sa makauwi na kami at nasabi na ngang may pahayag na ang ama ni Ronald na si Governor Chavit about it.

Medyo malayu-layo rin ang Tsuen Wan, kung saan naman magkakaroon ng hearing si Congressman Ronald sometime in August. Plinano rin namin itong puntahan pero kulang na nga ang araw namin.

Some tried din to contact Lovi Poe about it. Pero, hindi rin ito sumasagot.

Tama. Let’s pray for the congressman’s fate!

KUNG MAY PATULOY na pasasalamatan ang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga patuloy na sumuporta sa kanyang kabiyak ng puso na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, walang iba ‘yun kundi ang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang mga kapatid nitong babae, pati na si P-Noy!

“The sisters think highly of Kiko. And Kris naman gets out of her way in being such a generous person.”

Kahit sumama ang loob sa mga taong malalapit sa kanya, dahil sa suportang inasahan nila sa pag-upo ni Sen. Kiko as Senate President, mananaig pa rin naman daw ang respeto ni Shawie, lalo na sa mga taong kadugo niya.

As she prepares for her Mega Drama concert sa Araneta Coliseum on August 7, paspas din si Shawie sa mga bagong developments na magaganap sa kanyang buhay – sa career, pati na in her well-being.

Target daw niya na maging slim na slim na when she gets to celebrate her birthday sa January 2011, para sa isang malakihang concert uli.

In the meantime, bukod sa pag-aasikaso niya ng personal sa kanyang sariling magazine, hindi nawawaglit ang mga business ventures na sinimulan na rin niya para sa kanyang pamilya.

“I got a house somewhere in Sct. Rallos. Four to five-storey siya. May garage sa first floor, sa second floor naman ‘yung sala. There will be 3 bedrooms in the third floor na may kanya-kanyang toilet and bath. And there will be a high attic for storage. Gusto kong maging as close to perfect ang construction niya. I’m also planning to get a condo na parang B&B (breakfast and bed) ang drama.”

At siyempre, ang hindi mawawala sa prayoridad ni Shawie eh, ang pagiging ina niya sa kanyang three girls at sa bunso nilang si Miguel Samuel Mateo na excited na siyang maikuha ng passport para maisama na sa mga tours nila abroad.

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleKasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, parang musical!
Next articleAlyssa Alano, nilinaw na ‘di nakarelasyon si Mikey Arroyo

No posts to display