Sharon Cuneta at Aga Muhlach, lumalala ang tampuhan

NAGING MA-DRAMA ANG press launch ni Sharon Cuneta sa kanyang bagong endorserment na Zen Zent Fragrance, Loving. Naging emotional ang Megastar sa tunay niyang nararamdaman sa hindi nila pagkakaunawaan ni Aga Muhlach. Gusto niyang maging malinaw ang lahat sa totoong pangyayaring naganap sa concert ni Ai-Ai Delas Alas last Nov. 19 sa Araneta Coliseum.

“Ang pakiusap ko lang po, para walang nami-misinterpret, walang nami-misconstrue, sana po ‘yung sasabihin ko, eksakto lang, the way I say it, request ko lang po. You can quote me all you want but kindly, just make it accurate kasi, it’s a very sensitive topic and dami ko kasing puwedeng sabihin but you know, I don’t know if I’m alone in wanting to save the friendship,” pasimula niya.

Hindi inaasahan ni Sharon na bibigyang-kulay ang biruan nila ni Ai-Ai Delas Alas on stage na parang hindi niya kilala si Aga. “Ganito lang po ‘yun, dapat hindi lalabas ‘yung mga rason ng tampo ko, kasi seven years na kaming magkaibigang matalik ni Aga, as in puwede niya akong batukan, puwede ko siyang suntukin, ganu’n. I know him, he knows me, I love his family, minsan pupunta siya sa bahay kakain siya. Si Kiko, you know, it was all going very well. Meron lang little things na siguro palilipasin ko ‘yung iba kasi, lalaki naman siya, babae ako. Pero after awhile, siyempre, parang meron ka lang tampo, mga tampo na between you lang naman ‘yun.

“’Yung lumabas, nagpapasalamat nga ako sa SNN, kinunan nila ‘yung part nu’ng nangyari ‘yun. Kasi, sabi nila, parang na-bad-trip forever yata ‘yung tao, ‘yun ang impression, hindi naman exact words, pero parang na-nega, ganyan. Pero after awhile, nakita nilang okay lang, parang nagtatawanan kaming lahat. Pero in the end, sabi ko, “joke” gumanyan pa ako.”

That night of the concert, buong pag-aakala ni Sharon, magkakausap sila ni Aga, lalapit ito sa kanya pero hindi ganu’n ang nangyari. “Alam n’yo, sa totoo lang, I thought, kakausapin niya ako na ‘Ems (tawag sa kanya ni Aga), bakit?’ Pero on the other hand, inisip ko rin, nu’ng nabasa ko ‘yung article ni Ricky Lo, du’n ako nagulat, kasi parang… I don’t know, alam ninyo sa mga artista, merong tinatawag na… parang sa inyo rin, mga press kayo, you know what to write about, ‘yung mga huwag na lang. When Ricky Lo article came out, ang pinaka-hurt ako du’n… by the way, I would just like to say that I never said the project with Gabby Concepcion was the horror movie, those are two separate projects.

May intriga pang hindi raw binati ni Sharon si Lea Salonga nang magkita sila sa backstage. Knowing Mega, super friendly ito kahit kanino. “Kasi, it came out, but Lea immediately, on her Twitter account, tweeted it’s not true, kasi paglabas niya, she sang before me, so pagbaba niya nandu’n na ako sa backstage. Sabi ko, ‘Lei!’, tapos nagyakapan kami, sabi ko pa nga, you know, we should do a back to back, tapos sabi niya, ‘that would be fun’.”

Hindi naghihinakit si Sharon kung pa minsan-minsan ay napipitik siya ng entertainment press. Knows naman niyang concerned lang ang mga ito at naa-appreciate niya ‘yun. “Pero ito, between me and Aga ito. Lumaki na ito nang ganito, nagkasakitan na. After the Ricky Lo article, parang naawa naman ako sa sarili ko, so I have to defend myself. I had to give reasons. I said sorry na to the column of Tito Ricky and I will say it again to you. I’m sorry to Ai-Ai, I’m sorry to Aga if he felt  slighted but you know what, I really thought while it was going on. I had it all under control, na joke kasi talaga. Kung talagang galit ako, at ‘di ko na mapigil ang tampo ko, hahamunin ko na lang siya ng suntukan, hindi ba?” Tsika ni Mega na sabay tawa ng malakas.

Hindi napigilan ni Sharon na maging emotional nang sabihin niya sa harap ng movie press na wala siyang pagkukulang kay Aga bilang kaibigan. Tini-treasure niya ang friendship na mayroon sila ng actor magpa-hanggang ngayon. Nalulungkot lang si Mega na humantong sa ganitong sitwasyon ang hindi nila pagkakaunawaan. “Minahal ko siya, totoo ako sa kanya, hindi ko siya sino-showbiz. Kung minsan, lahat ng hiling niya, ibigay ko, ganu’n akong kaibigan. Siguro nami-miss ko lang siya, nami-miss ko lang na mabigyan ng kaunting importansiya not because I’m feeling ‘Oy, she’s the megastar!’ No! Importante siya bilang kaibigan, ‘yun lang ang hinihingi ko.”

Mensahe ni Sharon kay Aga. “Alam mo Teng (tawag niya kay Aga), hindi ako magtatampo kung hindi kita mahal at hindi ka importante sa akin. Kaibigan kita. Hindi rin ako hihingi ng tawad kung wala akong pakialam o respeto sa ‘yo. So, paano Teng, ganito na lang  tayo? Parang, Diyos ko, magsasagutan tayo sa column? Usually, hindi talaga nagsasalita si Aga pero kasi… ‘yung manager ko kasi, walang column. Unfair, baka naman puwede mag-usap kami.”

Umaasa kaming magiging maayos din ang lahat between Sharon and Aga.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleGay TV host-comedian, binantaan ng isa ring gay TV host-comedian?
Next articleToni Gonzaga at Mariel Rodriguez, nag-uusap na sa text

No posts to display