Scripwriter, ayaw nang magsulat para sa magulang na direktor!

ISANG AWARD-WINNING film director ang nakatikim ng sobrang pagtataray mula sa isang beteranong playwright.

Isang araw ‘yon nang tumawag si Direk kay Writer para ikomisyong gumawa ng script para sa pelikulang isasali niya sa isang taunang festival. Mula mainstream ay susubukan ni Direk ng de-kalidad ding indie film.

“Hay, naku, sa iba ka na lang magpagawa!” panonopla agad ni Scriptwriter kay Direk na aligagang tumawag sa kanya kamakailan. “An’dami-daming beses ko nang gumawa ng script para sa iyo, yet you didn’t even give me the credit for my work. Malaman-laman ko,nagamit mo na pala ‘yung mga ideya ko, ni ha, ni ho ba ng, ‘Oy, bakla, nagamit ko na ‘yung mga ideas mo,’ eh, may narinig ako sa ‘yo?” ratsada ni Writer.

(By Ronnie Carrasco III)

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 59 May 02 – 03, 2012 Out Now!
Next articleFadir ng isang aktres, bitter-bitter-an pa rin sa ex-dyowa ng dyunakis!

No posts to display